Ito Ba ay Isang Jesus Christ na Old Coin


Marami po akong mga hawak na mga lumang bagay kung saan ay wala po akong ideya kung ang mga ito ay lumang barya o hindi.


Kamakailan lamang ay aking nakita ang isang kakilala na ayon sa kanya ay meron siyang gustong ibigay sa akin na isang lumang barya. Ayon po sa kanya, siya po ay naghukay sa kanyang bakuran at meron po siyang nahukay na isang hugis bilog na bagay.


Nagpunta kami sa kanyang bahay para kunin ito. At ito po ang larawan sa harapang bahagi nito.


Obverse o Harapan na Bahagi



Base po sa itsura nito ay masasabi ko pong napaka luma na po na bagay na ito. Maaaring isa nga itong antigong bagay pero hindi po talaga tayo nakakasiguro.


Marami na rin po itong mga gasgas at yupi dahil sa ito ay matagal nang nakabaon sa ilalim ng lupa. Ngunit kung ito po ay ating pagmamasdan ng mabuti, mapapansin po natin ang ilang mga nakaukit na detalye nito.


Ang itaas na bahagi po nito ay mapapansin po natin na meron po itong isang tagos na butas. Pero base po sa aking sariling pagsusuri, ang paraan sa pagkakabutas po nito ay parang pasadya dahil sa hindi po ito maganda. Parang ginamitan lamang po ito ng pako para mabutas. Maaaring binutas po ito ng taong huling may-ari po nito para kanyang gagawing kwentas.


Kung pagmamasdan po nating mabuti ang mga nakaukit na detalye sa lumang bagay na ito, mapapansin po natin na may nakaukit na isang tao sa kanyang saktong gitna. Base po sa aking sariling pananaw, ang nakaukit po dito ay isang imahe ni “Jesus Christ” o ang Panginoong si Hesukristo.


Reverse o Likurang Bahagi




Dito naman po tayo sa kanyang likurang bahagi. Ang kondisyon po nito dito sa likuran ay sadyang mas malala kung saan ay nakakaapekto ang yupi nito sa larawang nakaukit dito.


Kung pagmamasdan po nating mabuti ang nakaukit dito ay mapapansin naman po natin ang nakaukit na isang babae na may hawak na isang sanggol. Base po sa aking sariling pananaw, ang nakaukit po dito ay ang imahe ni “Mother Mary” at ang sanggol na kanyang hawak sa kamay ay ang ating Panginoong si Hesukristo.


Mga Sukat ng Lumang Bagay na Ito


Ako po ay nagsagawa ng pagsukat sa lumang bagay na ito at ito po ang mga sumusunod na mga detalye na akin pong nakuha:


Diameter


Ito po ay may diametro na nasa 37.7 mm.



Kapal o Thickness


Ang kapal o thickness po nito ay nasa 2 mm.



Material Composition


Hindi po ako nakakasiguro kung anong materyal ang ginamit dito. Pero ito po ay sadyang napakalambot ay parang napakadaling mayupi. Kaya base lamang po sa aking sariling opinyon, ang bagay na ito ay gawa sa materyal na “aluminum”.


Presyo o Halaga ng Lumang Bagay na Ito


Wala po talaga akong ideya kung ang lumang bagay na ito ay isang lumang barya o hindi. Ang isang bagay na akin pong iniisip ay maaaring isa po itong antigong medalyon.


Pagdating naman po sa value o halaga nito kung ito ay atin pong ibebenta, maaaring meron po itong mataas na halaga kung mapapatunayan po natin na ito ay isang antigong bagay. Ngunit kung ang kondisyon naman po nito ang siyang ating magiging basehan, marami na po itong mga gasgas at yupi. At hindi na rin po gaanong detalyado ang mga nakaukit dito. Dahil dito ay mababa po ang magiging halaga nito.


Sa katunayan, maaaring wala pong gustong bumili nito kung ito ay akin pong ibebenta.


Balak ko po sanang linisin muna ito bago ko po kuhanan ng larawan para naman mas malinaw nating mapansin ang mga nakaukit nitong detalye. Pero ako po ay nag-alala dahil sa malambot nitong uri ng materyal. Sapagkat maaari po itong mas lalong masira pa.


At ayan po mga ka-barya ang aking isang tinatagong lumang bagay bilang koleksyon kung saan ay wala po akong ideya kung ito ay isang nga bang lumang barya o hindi. Nais ko pong malaman ang iyong ideya o pananaw kung ano ang lumang bagay na ito. Isa nga ba itong lumang barya o isang lumang medalyon?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento