Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 10 Sentimos Coin Series. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 10 Sentimos Coin Series. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Presyuhan sa Lumang Baryang 1958 na 10 Centavo Philippine Old Coin

Ang atin pong tatalakayin naman ngayon sa post na ito ay tungkol sa lumang barya na 10 centavo na may taong 1958. Isa po itong napaka lumang barya dito sa Pilipinas o Philippine old coin. Maliban po dito ay napaka luma na rin po ang lumang barya na ito kung saan ay hindi ko po ito naabutan.


Ano nga ba ang isang kaganapan na naganap noong taong 1958 na hindi madaling makalimutan ng bawat Pilipino?


Ang naganap na hindi po makakalimutan ng bawat Pilipino noong taong 1958 ay ang pamamalakad ng ating former-president na si Carlos P. Garcia.


Noong nakalipas na WWII, tumanggi po ang ating dating presidente na makipag-cooperate sa mga sundalong Hapon. At dahil dito, siya po ay inilagay ng mga sundalong Hapon sa kanilang wanted list na may patong sa kanyang ulo.


Dahil siya ay wanted sa listahan ng mga sundalong Hapon, siya po ay sumali sa mga gerilya at nagsilbing adviser ng free government sa Bohol.


Noong taong 1957, siya po ay tumakbo sa pagka pangulo. Siya po ay nanalo sa pagka pangulo na na-upo hanggang sa ating 1961.


Atin na pong balikan at kilalanin ang ating 1958 na 10 centavos coin.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1958 na 10 Centavos Coin


10 Centavo 1958 Philippine Old Coin


Dito po sa harapan na bahagi ng ating 1958 na 10 centavos coin ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na babae sa kanyang gitna. Ang babae pong ito ay nakatago at meron po siyang mahabang kasuotan. May mga nagsasabi na siya daw po ay isang Pinay. Pero ang labis ko pong ipinagtataka dito ay kung ano ang kahulugan ng kanyang hawak na martilyo.


Sa likuran naman po ng nakatagong babae ay ating makikita ang isang umuusok na bulkan. Marami po tayong mga bulkan dito sa Pilipinas. Base po sa aking pagsasaliksik, meron po tayong 300 na mga bulkan at 24 sa mga ito ay aktibo.


Dito sa ating lumang barya na ito, mapapansin po natin ang detalyado nitong pag-usok. Ito po ay nagpapakita na isa po itong aktibong bulkan. Kaya ibig pong sabihin ay nabibilang po ang bulkan na ito sa 24 na mga aktibong bulkan. At base po ulit sa aking pagsasaliksik, ang nakaukit na bulkan sa ating lumang barya na ito ay walang iba kundi ang sikat o kilalang “Mount Mayon Volcano”.


Sa gilid at itaas na bahagi po nito ay atin naman pong mababasa ang salitang TEN CENTAVOS. Eto po siyang nagpapahayag sa face-value po nito o ang kanyang halaga noong ito ay ginamit sa sirkulasyon. Dito naman po sa kanyang pinaka ibabang bahagi ay nakaukit naman po ang taong 1958.


Eto pong muli ang mga nakaukit na mga detalye dito sa obverse o harapan na bahagi ng isang 1958 na 10 centavo coin:


  • Nakatayong babae na may hawak na martilyo sa kanyang kanang kamay

  • Bulkang Mayon

  • TEN CENTAVOS

  • 1958


Reverse o Likurang Bahagi ng 1958 na 10 Centavo Coin


Dito naman po sa reverse o likurang bahagi ng ating 1958 na 10 centavos coin ay atin naman pong nakikita ang nakaukit na lumang selya ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas. Lumang selyo po ito kung saan ay karaniwan din po nating makikita sa iba’t ibang mga lumang barya. Ang kabuuang itsura po nito ay isa po itong kalasag. At ang mga disenyo po nito sa loob ay meron po itong tatlong mga bituin, isang araw, at dalawang hayop. Agila sa kaliwa at isang leon naman po ang nasa kanan.


Sa gilid po ng ating lumang barya na ito ay atin naman pong mababasa ang mga salitang CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES.


Eto pong muli ang mga nakaukit na mga detalye na atin pong makikita dito sa reverse o likurang bahagi ng ating 1958 na 10 centavo coin:


  • Lumang selyo ng Bangko Sentral

  • CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES


Mga Karagdagang Detalye ng 1958 na 10 Centavo Coin


Material Composition


Ang ating 1958 na 10 centavo coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay nickel brass.


Weight o Timbang


Ang timbang po nito ay nasa 2.04 grams


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 17.9mm


Kapal o Thickness


At ang kapal po nito ay nasa 1.19mm


Price Value o Halaga ng isang 1958 na 10 Centavo Coin


Napansin ko lamang po na marami po ang may hawak sa lumang barya na ito kung saan ay gusto po nila itong ibenta. Pero bago po nila ito ibenta sa sa mga kolektor ay nais po nilang malaman kung ano ang presyo sa bentahan nito.


Nais ko pong linawin na ang pagtukoy sa tamang presyo ng isang lumang barya ay marami po itong mga batayan na kailangan masuri ng mabuti. Isa lamang po sa mga batayan na ito ay ang kondisyon ng isang lumang barya kung maayos po ba ang pagkakatago nito. Dahil sa mga batayang ito, tanging mga eksperto lamang sa pagsuri ng mga lumang barya ang maaaring makapag lahad sa nararapat na presyo ng isang old coin.


Pagdating naman po sa aking pamamaraan, dinadaan ko lamang po ito sa pagtatanong sa mga community groups. At ito po ang siyang aking ginawa sa presyo na akin pong babanggitin dito.


At base po sa aking nakalap na presyuhan o bentahan sa isang 1958 na 10 centavo coin, ang halaga po nito ngayon ay nasa 78.05 pesos. Uulitin ko lamang po mga ka-barya, ang halaga po ngayon ng isang 1958 na 10 centavo coin ay nasa 78.05 pesos kung saan ay ang minimum price po nito. Dito po nag-uumpisa ang presyo sa bentahan ng ganitong lumang barya.


Dapat din po nating malaman na ang presyuhan sa mga lumang barya ay hindi po sila permanent. Ang kanilang presyo po ay maaaring tumaas sa mga susunod na araw at maaari din po namang bumagsak. Eto po ay dahil sa nakakasalaylay din po ang kanilang presyo sa bilang ng mga taong nagbebenta nito at mga taong gustong bilhin ang mga ito.


Kung nais mo pong malaman ang pagbabago sa presyuhan ng mga lumang barya, meron po akong ginawang isang YouTube Channel (Pinoy Coin Hunter). At sa aking YouTube Channel na ito ay dito po ako madalas maglabas ng mga impormasyon tungkol sa mga price updates ng ating mga lumang barya.  


1935 na 10 Sentimos Philippine Old Coin Value

 Ang 1935 na 10 sentimos Philippine old coin ay kabilang po ito sa tinatawag na “US Administration Coins”. Tinawag po itong US Administration Coin dahil ang lumang barya po na ito ay gawa sa bansang Estados Unidos.


Bakit po ito ginawa sa bansang Estados Unidos?


Dapat po nating malaman na ang Pilipinas noon ay sinakop po ito ng mga Amerikano at sila ang siyang pansamantalang namahala dito. Sa kanilang pamamalakad, sila ay gumawa at naglabas ng panibagong pera. At ang 1935 na 10 sentimos coins ay kabilang po ito sa mga barya na kanilang inilabas sa nakalipas na mga panahong ito.       


Sa ngayon ay bihira na lamang po ang makahanap ng 1935 na 10 sentimos coin kung saan ay iilan na lamang po talaga ang may hawak nito. At dahil sa ito ay isa na ngayong bihirang lumang barya, marami pong mga buyers ang naghahanap at interesadong bilhin ito.


Maging ako ay nahirapan din po akong maghanap ng 1935 na 10 sentimos para i-dagdag sa aking koleksyon. Mahirap po talaga ang makahanap ng ganitong lumang barya para sa ating mga kolektor lalo na noong hindi pa gaanong sikat ang paggamit ng mga online stores.


Atin pong kilalanin ng mabuti ang 1935 na 10 sentimos coin sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaukit nitong detalye na atin pong mapag mamasdan sa kanyang harap at likurang bahagi. 


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1935 na 10 Sentimos Coin


1935 10 Sentimos Obverse Side


Dito po sa
“obverse” o harapang bahagi ng ating 1935 na 10 sentimos coin ay meron po itong mga nakaukit na detalye. Umpisahan po natin sa kanyang gitnang bahagi kung saan ay meron po tayong nakikita na isang nakaukit na agila. Bukas po ang kanyang dalawang pakpak kung saan base po sa aking sariling opinyon ay nagpapahayag po ito ng kalayaan.


Maliban po sa agila ay mapapansin din po natin ang kinatatayuan nito na isang kalasag. Ang akin naman pong sariling opinyon sa nais ipahiwatig ng kalasag na ito ay “tagapagtanggol”. Kaya kung atin pong pagsasamahin ang agila at ang kalasag, ito po ay nagpapahayag ng tagapagtanggol para sa kalayaan. 


Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga salitang UNITED STATES OF AMERICA at ang taon na 1935. Ibig pong sabihin, ang lumang barya na ito ay kabilang sa tinatawag po nating US Administration Coins.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa harapang bahagi ng ating lumang barya na 1935 10 sentimos coin:


  • Agila na bukas ang kanyang mga pakpak

  • Isang kalasag na kinatatayuan ng agila

  • UNITED STATES OF AMERICA

  • 1935


Reverse of Likurang Bahagi ng 1935 na 10 Sentimos Coin


1935 10 Sentimos Reverse Side


Dito naman po tayo sa likurang bahagi ng ating 1935 na 10 sentimos coin. Atin pong nakikita dito sa kanyang gitnang bahagi ang isang nakaukit na babae. Eto po ay nakatayo at meron po siyang suot na mahabang damit. Isa po kaya siyang Filipina? Pero ang higit na nakakapagtaka sa kanya ay meron po siyang hawak na isang martilyo sa kanyang kanang kamay.


Sa bandang likuran ng nakaukit na babae ay nakaukit na naman po ang isang bulkan. Mapapansin po natin na ang pagkakaukit sa bulkang ito ay napaka detalyado kung saan ay nagpapakita po ito ng kanyang pag-usok o naglalabas po ito ng usok.


Ang dahilan kung bakit ang bulkan na ito ay nagpapakita ng pag-usok ay dahil sa nagpapahiwatig ito na ito po ay isang aktibong bulkan. At ang bulkan po na ito ay walang iba kundi ang bulkang Mayon o “Mount Mayon Volcano”.


Sa gilid na bahagi naman po nito ay meron po tayong mababasa na mga nakaukit na letra. At ang mga letrang ito ay bumubuo sa mga salitang TEN CENTAVOS sa kanyang itaas na bahagi at FILIPINAS naman po sa kanyang ibabang bahagi.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1935 na 10 sentimos coin:


  • Nakatayong babae na may hawak na martilyo

  • Umuusok na bulkan

  • TEN CENTAVOS at FILIPINAS


Mga Karagdagang Detalye ng 1935 na 10 Sentimos Coin


Material Composition


Ang lumang barya po na ito ay gawa sa material na “silver” o pilak (0.750 silver).


Weight o Timbang


Ang isang 1935 na 10 sentimos coin ay meron po itong timbang na nasa 2 grams.


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 17mm.


Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 0.96mm.


Price Value o Halaga ng isang 1935 na 10 Sentimos Coin


Pagdating po sa value o halaga ng mga lumang barya, nais ko pong ipagbigay alam na wala po talagang nagdidikta kung ano ang tamang presyo na kailangang masunod para ibenta ang mga ito. Kaya kung meron ka pong isang tinatagong lumang barya at nais mo po itong ibenta, maaari mo po itong ibenta sa presyong iyong nais.


Ang aking paraan para malaman o matukoy ang presyuhan sa isang barya ay sa pamamagitan po ng pagtatanong sa mga community groups. At base po sa naging resulta ng aking pagtatanong sa bentahan ng isang 135 na 10 sentimos coin, eto po ay nasa halagang 209 pesos.


Nais ko pong sabihin na halagang aking binanggit dito ay maaari po itong magbago sa hinaharap. Sapagkat ang bentahan po ng mga barya ay hindi po ito “steady” kung saan ay pabago-bago po ito. Maaari po itong tumaas sa mga susunod na araw at maaari din po namang bumababa.


Uulitin ko lamang po mga ka-barya, ang bentahan sa lumang baryang 1935 na 10 sentimos coin base sa petsa ng aking post na ito ay nasa 209 pesos o dalawang daan at siyam na piso.


Kung nais mo pong malaman ang mga “latest price update” ng mga lumang barya na aking pong tinatalakay, maaari mong bisitahin ang aking YouTube Channel na “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako madalas mag-upload ng mga bidyo tungkol sa price updates ng mga barya.


10 Sentimos 1972 Philippine Old Coin Value

Ang tatay ko po ay isang OFW. Pero bago po siya umalis at mangibang bansa, meron po siyang mga barya noon na kanyang inilagay sa kanyang lumang maleta. Lumipas po ang ilang mga taon at binuksan po ito ng aking ina para linisin. At dito po niya natagpuan ang mga lumang baryang nakalimutan.

Ang isa po sa mga lumang barya na ito ay ang aking 1975 na 10 Sentimos Philippine old coin. Ako po ay labis na natutuwa dahil sa maganda po ang kondisyon nito. Malinaw po nating nakikita ang mga nakaukit na mga detalye nito sa harap at likod po nito.


1972 10 Sentimos Old Coin


Atin pong kilalanin ang aking 1975 na 10 Sentimos coin na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga delayeng nakaukit dito.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1975 10 Sentimos Coin


1972 10 Sentimos Obverse


Atin pong nakikita sa larawan na ito ang obverse o harapan na bahagi ng aking 1975 na 10 sentimos coin. Dito po sa kanyang saktong gitna ay meron po tayong nakikita na isang karaniwang sagisag o logo. Napaka karaniwan po nitong uri ng sagisag na atin din pong makikita sa iba’t ibang mga lumang barya.


Sa loob po ng sagisag na ito ay meron din po tayong makikita na mga nakaukit na detalye. Sa gitna po nito ay may nakaukit na isang araw na may mga sinag. Ang itaas naman po nito ay meron po itong tatlong mga bituin. Ang mga detalyeng ito ay may pagkakahawig po sa ating watawat.


Ang ibabang bahagi naman po ng sagisag na ito ay may dalawang nakaukit na hayop. Ang nasa kaliwa ay isa po itong agila na nakabukas ang kanyang pakpak. Sa kanan naman po nito ay nakaukit ang isang mabangis na leon.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa obverse o harapan na bahagi ng ating 1975 na 10 sentimos coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1972
  • Lumang logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas


Reverse o Likurang Bahagi ng 1975 na 10 Sentimos Coin


1972 10 Sentimos Reverse


Kung atin naman pong babaliktarin ang 1975 na 10 sentimos coin, eto po naman po ang disenyo na atin pong makikita.


Sa kanyang gitna ay meron po tayong nakikita na isang nakaukit na mukha kung saan siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa. Sa likuran po nito ay nakaukit ang isang pangalan na siyang nagpapakilala kung sino ang nakaukit na mukha sa lumang barya na ito. Ang nakaukit pong pangalan dito ay FRANCISCO BALTASAR.


Si Francisco Baltasar ay isa po siyang sikat na makata. Eto po ang dahilan kung bakit meron po tayong nakikitang isang malaking dahon sa kanyang ulo dito sa kanyang nakaukit na mukha.


Sa ibabang bahagi naman po ng nakaukit na mukha ay nakaukit naman po ang numerong 10. At sa gilid naman po ng ating lumang barya na ito ay nakaukit ang mga detalyeng SAMPUNG SENTIMOS. Ang mga detalyeng ito ay siyang nagsasaad sa face-value po nito noong ginamit sa sirkulasyon.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye sa reverse o likurang bahagi ng ating 1975 na 10 sentimos coin:


  • SAMPUNG SENTIMOS
  • 10
  • FRANCISCO BALTASAR
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa kaliwa


Mga Karagdagang Detalye ng 1975 na 10 Sentimos Coin


Material Composition


Ang 1975 na 10 Sentimos coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay “copper-nickel”.


Weight o Timbang


Ang timbang po nito ay nasa 2 grams.


Diameter


Ang diameter naman po nito ay nasa 17.5 mm.


Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 1.1 mm.


Price Value o Halaga ng 1975 na 10 Sentimos Coin


Ang 1975 na 10 Sentimos coin na akin pong ipinakita dito ay isa po itong “common coins”. Kapag sinabi po nating isang common coins ang isang lumang barya, marami po ang may kasalukuyang may hawak ng ganitong uri ng lumang barya. At kung marami ay may hawak ng ganitong lumang barya, hindi po gaanong mataas ang value o halaga nito.


Sa katunayan ay marami po ang nagkokomento na ating mga ka-barya kung saan ay meron po silang mga 1975 na 10 sentimos coin at gusto po nila itong ibenta. Kaya ang karaniwan po nilang katanungan ay kung magkano ang presyuhan nito ngayon?


Bago po natin alamin ang bentahan sa 1975 na 10 sentimos coin, nais ko lamang pong ipagbigay alam na hindi po ako eksperto sa pagsusuri ng mga lumang barya para sabihin kung ano ang tugma nitong presyo. Sapagkat, meron po tayong ilang mga batayan na siyang basehan para tukuyin ang tamang presyo ng isang lumang barya at tanging mga eksperto lamang ang siyang makakagawa nito.


Ang akin pong paraan para matukoy ang mga lumang barya ay sa pamamagitan lamang po ng pagtatanong sa mga community groups. Eto po ang siyang aking ginawa dito sa ating 1975 na 10 sentimos coin at ito ang mga sumusunod na presyong aking nakalap:


BSP = 20.03 pesos


FM = 50.67 pesos


At ayan po mga ka-barya ang presyuhan sa mga 1975 na 10 sentimos coin. Mas mura po ang presyo ng BSP Mint kumpara sa Franklin Mint. Ang aking lumang barya dito ay isa po itong BSP Mint kaya ito po ay nasa halagang 20.03 pesos.


Pero dapat po nating malaman na ang presyo na akin pong isinasaad dito ay minimum price lamang po ang mga ito. Eto po ang umpisa sa presyuhan ng seller at buyer ng 1975 na 10 sentimos coin. Kaya kung meron po talagang magandang kondisyon ang iyong hawak na lumang barya, asahan mo po na mas mataas ang halaga nito sa minimum price nito.


Ang isa pang bagay na dapat po nating malaman ay nagbabago po ang presyo ng mga lumang barya. Hindi po ito fixed o stable. Kaya ang minimum price po na aking isinasaad dito ay maaaring iba na po ang halaga nito ngayon.


Dahil sa laging nagbabago ang presyo ng mga lumang barya, akin pong napag isipan na ako po ay gumawa ng aking YouTube Channel na aking pong pinamagatang Pinoy Coin Hunter. Dito po ako madalas na naglalabas ng mga bagong impormasyon tungkol sa mga lumang barya lalo na po ang price update sa mga ito.