1990 50 Sentimo Philippine Old Coin Price Value

Meron po akong isang lumang barya o Philippine old coin na siyang atin pong pag-uusapan sa post na ito. At ito po ay walang iba kundi ang aking 1990 na 50 sentimo Philippine old coin.

Ang 50 sentimos coin na ito ay matagal na tinago ng aking ama sa kanyang maleta. Matagal po niyang nakalimutan na meron siyang nilagay na mga barya noon dito. Kaya nang binuksan ito ng aking ina, dito niya natagpuan ang mga lumang barya. At isa lamang sa mga lumang barya ang 50 sentimos coin na ito.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1990 50 Sentimos Coin



Sa larawan na ito ay atin pong nakikita ang aktwal na harapang bahagi ng aking 1990 50 sentimos coin. Sa gitnang bahagi po nito ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na mukha ng tao kung saan ay kapansin-pansin ang kanyang bigote. Maliban po dito, siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa.


Ang nakaukit pong mukha sa lumang barya na ito ay walang iba kundi si “Marcelo H. del Pilar”. Nakaukit po ang kanyang pangalang ito dito sa kaliwang ibabang bahagi na siyang nagpapakilala sa kung sino po siya. Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1990.


Muli lamang po nating i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1990 na 50 sentimo coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1990
  • MARCELO H DEL PILAR
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa bandang kaliwa


Reverse o Likurang Bahagi ng 1990 50 Sentimo Coin



Eto naman po ang larawan o ang itsura po nito sa kanyang likuran. Nakikita naman po natin dito ang isang disenyo ng isang malaking ibon. Sadyang napakalaki po ng ibon na ito dahil isa po itong agila. Mas kilala po ito sa tawag na “Philippine Eagle” o “Monkey-Eating Eagle”.


Konting kaalaman lamang po mga ka-barya ukol sa mga Philippine eagles. Ang mga monkey-eating eagles po dito sa atin bansa ay nabibilang na po sa “endangered species”. Ibig pong sabihin ay malapit na po silang maubos o iilan na lamang ang natitira sa kanila. Dahil dito ay kailangan po natin silang pangalagaan ng mabuti.


Dito po sa ibabang bahagi malapit sa kaliwa ay may nakaukit po na dalawang salita. Eto po ay ang mga salitang PITHECOPHAGA JEFFERI. Ang mga salitang ito ay ang scientific name o biological name ng Philippine eagle.


Sa bandang kanang gilid naman po ay nakaukit ang 50 SENTIMO. Eto po ang face-value ng lumang barya na ito noon pong ginamit sa sirkulasyon.


Muli lamang po nating i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1990 na 50 sentimo coin:


  • 50 SENTIMO
  • PITHECOPHAGA JEFFERI
  • Nakaukit na agila


Mga Karagdagang Detalye ng 1990 50 Sentimo Coin


Material Composition


Ang mga 1990 na 50 sentimos coin ay gawa po ito sa materyal na “copper-nickel”.


Weight o Timbang


Ang timbang po nito ay nasa 6 grams.


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 25 mm.


Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 1.62 mm.


Price Value o Halaga ng 1990 50 Sentimo Coin


Ang mga 1990 na 50 sentimos coin ay nabibilang po ito sa kategoryang “common coins”. Kapag ang isang barya ay tinawag po itong common coins, ito po yung mga uri ng barya na ginamit o ginagamit po natin sa sirkulasyon. At kung ito po ay ginamit o ginagamit natin sa sirkulasyon, marami po ang bilang ng mga ito.


Sadyang marami po ang may hawak ng 1990 na 50 sentimos coin at marami na rin po ang gustong ibenta ito. Kaya ang gustong itanong po ng karamihan sa atin dito ay kung magkano po ba ang value o bentahan sa lumang barya na ito?


Bago po natin alamin ang presyuhan sa isang 1990 na 50 sentimos coin, nais ko lamang pong sabihin na ang presyuhan sa lahat ng mga lumang barya ay meron po itong ilang mga batayan. At ang mga batayang ito ay tanging mga eksperto lamang sa mga lumang barya ang siyang nakakaalam. Kaya kung nais mo pong malaman kung ano talaga ang value o halaga ng iyong hawak na lumang barya, mas makakabuti kung ipasuri mo ito sa isang eksperto ng mga lumang barya.


Ako po ay nagsagawa ng aking pagtatanong sa mga community groups ukol sa presyuhan ng isang 1990 na 50 sentimos coin at ang mga sumusunod ang aking mga nakalap na halaga nito:


UNC = ?


XF = 64.24 pesos


VF = 72.49 pesos


Yan po ang aking mga nakalap na presyuhan sa mga 1990 na 50 sentimos coin. Minimum price lamang po ito kung saan ang kondisyon ng iyong hawak na barya ay maaaring makaapekto para ito ay magkaroon ng mas mataas na halaga o mas mababang presyo.


Maliban po dito, ang aking isinasaad na presyo dito ay nakabatay po ito sa oras o petsa noong ako ay nagsagawa ng pagtatanong sa mga community groups. Ibig pong sabihin ay maaaring nagkaroon na po na pagbabago sa presyo nito.


Meron po pala akong isang YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Ginawa ko po ang aking vlog na ito para magbigay ng price update sa lahat ng mga lumang barya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento