Eto po ay isang uri ng “Common Coins” kung saan ay ginamit po natin ito sa sirkulasyon noon pero demonetized na po ito ngayon. At dahil sa isa po itong karaniwang uri ng lumang barya, nabili ko lamang po ito sa murang halaga.
Obverse o Harapang Bahagi ng 1985 2 Piso Coin
Ang larawan pong ito na ating nakikita ay ang aking tinutukoy na dalawang pisong lumang barya na akin pong nabili. Eto po ay aking nabili mula po sa isang follower natin dito po sa Pinoy Coin Hunter Community.
Makikita po natin dito sa kanyang gitna ang nakaukit na mukha ng isang gwapong lalaki na nakaharap sa bandang kaliwa. Siya po ang bayaning si “Andres Bonifacio”. Nakaukit po ang kanyang buong pangalan dito sa kaliwa at ibabang bahagi ng ating lumang barya.
Siya po ang tinaguriang “Father of Revolution” o “Ama ng Rebolusyon”. Sapagkat siya po ang namuno sa pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga mapang-aping Kastila.
Dito naman po sa gilid na bahagi nito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1985.
Summary sa mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1985 na 2 piso coin:
- REPUBLIKA NG PILIPINAS
- 1985
- ANDRES BONIFACIO
- Nakaukit na mukha ng bayaning si Andres Bonifacio
Reverse o Likurang Bahagi ng 1985 2 Piso Coin
Nakikita naman po natin dito ang reverse o likurang bahagi ng isang 1985 2 Piso coin.
Kung ang nasa harapan nito ay isang nakaukit na mukha, dito naman po sa kanyang likuran ay may nakaukit na isang puno. Base sa aking pagsasaliksik sa kung anong uri ng puno ito, eto po ay isang puno ng niyog.
Dito po sa kanyang kaliwa at ibabang bahagi, meron pong nakaukit dito na isang detalye na binubuo ng dalawang salitang “COCOS NUCIFERA”. Ano po ba ang ibig sabihin nito?
Ang cocos nucifera ay isa po itong scientific o biological name ng coconut palm tree.
Maliban po sa nakaukit na puno ng niyog at ang salitang cocos nucifera, mapapansin din po natin ang nakaukit na 2 PISO dito sa kanyang kanang ibabang bahagi. Eto naman po ang siyang nagpapahayag sa face-value o halaga nito bilang isang barya noong ito ay ginamit sa sirkulasyon.
Summary sa mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1985 na 2 piso coin:
- 2 PISO
- COCOS NUCIFERA
- Nakaukit na puno ng niyog
Mga Karagdagang Detalye ng 1985 2 Piso Coin
Material Composition
Ang ating mga 1985 na dalawang pisong lumang barya ay gawa po ito sa materyal na “Copper” at “Nickel”. Sinubukan ko po itong ilapit sa isang magnet at hindi po ito dumidikit o kumakapit. Sa madaling salita ay “non-magnetic” po ito.
Weight o Timbang
Ang bigat o timbang naman po nito ay nasa 12 grams.
Diameter
Ang sukat naman po ng diameter nito ay nasa 31 mm.
Ang kapal o thickness ng 1985 2 Piso coin ay nasa 2 mm.
Mintage
Ang mintage naman po o kung ilang bilang ng ganitong lumang barya ang inilabas ng BSP sa sirkulasyon ay nasa 115,211,000.
Price Value o Halaga ng 1985 2 Piso Coin
Gaya po ng aking binanggit sa itaas, ang 1985 2 Piso coin ay isa po itong karaniwang uri ng lumang barya o “common coins”. Dahil sa ito po ay karaniwang uri ng lumang barya lalo na po at ang mintage nito ay nasa mga 115 na milyong piraso, marami po ang may hawak nito at gusto po nila itong ibenta.
Ngunit dapat po nating malaman na ang halaga ng mga ito ay maaaring meron po silang konting pagkakaiba. Sapagkat ang presyuhan po ng mga lumang barya ay meron po itong mga batayan. Kaya tanging mga eksperto lamang po sa mga lumang barya ang siyang makakapagbigay ng tamang presyo sa isang lumang barya.
Ang 1985 na dalawang pisong lumang barya na akin pong ginamit na halimbawa sa post na ito ay akin pong nabili sa isang follower ng Pinoy Coin Hunter Community sa halagang 50 pesos. Kung pagmamasdan po natin ang itsura o kondisyon nito, mapapansin po natin na marami na po itong mga gasgas lalo na po ang kanyang likurang bahagi.
Pagdating naman po sa mga community groups, ito po ang aking mga nakalap na presyuhan sa lumang barya na ito:
UNC = ?
XF = 21.26 pesos
VF = 21.26 pesos
F = 20.08 pesos
VG = 21.26 pesos
Hayan po mga ka-barya, mas mura po ang bentahan sa mga community groups. Pero nais ko pong tulungan ang ating sariling community kaya mas pinipili ko pong bumili sa aking mga followers o tagasunod.
Ang nakasaad po na presyo ng 1985 2 Piso Philippine old coin sa post na ito ay nakabase po ito sa araw na akin pong tinanong sa mga community groups. Dapat po nating malaman na ang presyo ng mga lumang barya ay pabago-bago po ito. Eto po ay tumataas at bumababa dahil nakadepende po ito sa bilang ng mga gustong bumili at gustong magbenta.
Kung nais mo pong malaman ang update o pagbabago sa presyuhan ng mga lumang barya, meron po akong isang YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Sa akin pong channel na ito, dito po ako madalas maglabas ng mga impormasyon sa update o pagbabago sa presyo ng mga lumang barya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento