Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 25 Sentimos Coin Series. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 25 Sentimos Coin Series. Ipakita ang lahat ng mga post

Halaga o Value ng 25 Centavos 1962 Philippine Old Coin

Isa na naman pong napaka lumang barya ang atin pong pag-uusapan sa post na ito kung saan ay ang 25 centavos Philippine old coin na may taong 1962.


Ang mga nakaukit na mga disenyo at detalye sa 25 centavos coin na ito ay atin din po itong makikita sa mga twenty five centavos coin na may taon mula 1958 hanggang 1966.


Atin na pong kilalanin kung ano-ano ang mga nakaukit na mga detalye sa harap at likurang bahagi nito.


Obverse Side o Harapan na Bahagi ng 1962 na 25 Centavos Coin


Ang atin pong nakikita sa larawan na ito ay ang obverse side o harapan na bahagi ng 25 centavos coin na may taong 1962. Sa gitna po nito ay meron po itong nakaukit na isang nakatayong babae. Meron po siyang mahabang kasuotan, mahaba na rin po ang kanyang buhok, at meron po siyang hawak na martilyo sa kanyang kaliwang kamay. Maliban po dito, siya lamang po ay naka paa.


Sa kanyang likuran naman po ay ating makikita ang isang umuusok na bulkan. Eto po ay ang Bulkang Mayon. Umuusok po ito dahil ang naturang bulkan na ito ay nananatiling aktibo kung saan ay maaari po itong sumabog sa kahit anumang oras.


Sa gilid naman po nito ay ating mababasa ang mga detalyeng TWENTY FIVE CENTAVOS at ang taon na 1962. Sa pamamagitan po ng mga nakaukit na mga detalyeng ito, dito po natin malalaman ang face-value nito noong ito ay ginamit sa sirkulasyon at ang taon kung kailan po ito nagumpisang gamitin dito sa ating bansa.


Eto pong muli ang mga nakaukit detalye dito sa obverse side o harapan ng 1962 na 25 centavos coin:


  • Babae na nakatayo sa gitnang bahagi

  • Umuusok na bulkan

  • TWENTY FIVE CENTAVOS

  • 1962


Reverse Side o Likuran na Bahagi ng 1962 na 25 Centavos Coin


Eto naman po ang larawan sa reverse side o likurang bahagi ng 1962 na 25 centavos coin.


Sa gitnang bahagi po nito ay atin pong makikita ang nakaukit na lumang selyo ng bangko sentral. Eto po ay isang napakalumang selyo ng BSP kung saan ay matagal na po nila itong pinalitan.


Isa po itong malaking kalasang na may mga disenyong tatlong bituin, araw na may mga sinag, agila, leon, at ribbon sa kanyang ibaba.


Ang nakaukit naman po sa kanyang gilid ay ang mga salitang CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa reverse side o likurang bahagi ng 1962 na 25 centavos coin:


  • Lumang selyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas

  • REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

  • CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES


Mga Karagdagang Detalye ng 1962 na 25 Centavos Coin


Material Composition


Ang 1962 na 25 centavos coin ay gawa po ito sa materyal na Nickel Brass


Weight o Timbang


Meron po itong timbang na nasa 5 grams


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 24 mm


Kapal o Thickness


At ang kapal po nito ay nasa 1.6 mm


Price Value o Halaga ng 1962 na 25 Centavos Coin


Ang mga 1962 na 25 centavos coin ay napaka luma po ng mga ito. At pagdating sa mga napaka lumang mga barya, ang mga ito ay sadyang mahirap mahanap o nagiging hard to find na po ang mga ito.


Pero ayon po kay numista, meron pong mintage ang mga 1962 na 25 centavos coin na nasa 40 milyong piraso. Isa po ito sa pangatlong may mataas na mintage sa mga 25 centavos coin na may mga taong 1958 hanggang 1966.


Pero sa ngayon, kahit meron na pong kalumaan ang mga 25 centavos coin na may taong 1962, sadyang marami pa rin po ang may hawak nito. At kung marami pa rin ang may hawak nito, nananatiling mababa pa po ang value o halaga nito.


Sa akin pong pagsasaliksik o pagtatanong sa iba’t ibang mga community groups, ang presyuhan po sa mga 1962 na 25 centavos coin ay nasa Php 53. Ayan po mga ka-barya, ito po ay nasa 53 pesos.


Pero maaari po itong magbago sa hinaharap dahil pabago-bago po talaga ang bentahan sa mga lumang barya.

Price Value ng 25 Centavos 1958 Philippine Old Coin

Ang 25 centavos coin na may taong 1958 ay isa po itong napaka lumang Philippine old coin. Pero kahit ang baryang ito ay napaka luma na, ako ay hanga sa mga kolektor na may hawak nito ngayon. Sapagkat masasabi ko po na bihira na pong makahanap ng ganitong old coin.


Para sa matagal nang nakakakilala sa akin, ako ay gumagamit ng isang metal detector para maghanap ng mga nawawalang lumang barya na nakabaon sa ilalim ng lupa. Kaya sa pamamagitan ng aking gamit na ito, marami na rin po akong natagpuang iba’t ibang mga lumang barya dito sa atin.


Meron po akong natagpuan na isang 1958 na 25 centavos coin gamit ang aking metal detector. Ngunit ang problema ay hindi na po maganda ang kondisyon nito. Eto po talaga ng problema sa mga lumang barya na matagal na pong nakabaon sa ilalim ng lupa.


Sa atin pong pagpapatuloy ay kilalanin po natin ang lumang barya na ito sa pamamagitan ng pagsusuri mga nakaukit nitong detalye dito sa kanyang harapan at likurang bahagi.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1958 na 25 Centavos Coin


25 Centavos 1958 Obverse


Umpisahan po natin ang pagkilala sa isang 1958 na 25 centavos coin sa pamamagitan ng pagsuri dito sa kanyang obverse o harapan na bahagi.


Nakikita po natin dito sa kanyang gitna ang isang nakaukit na babae. Siya po ay nakatayo, meron po siyang mabahang buhok, at meron din po siyang mahabang kasuotan. Wala po akong ideya kung siya ay isang Pinay o isang dayuhang babae. At aking labis na ipinagtataka po dito ay kung bakit meron po siyang hawak na isang martilyo.


Sa kanyang likuran ay atin pong nakikita ang isang umuusok na bulkan. Napaka pamilyar po ang bulkan na ito dahil ito po ay atin din pong makikita sa ibang mga lumang barya. Sa mga matagal nang tagabasa ng aking blog na ito, ako po ay nakakasiguro na alam na po nila kung ano ang bulkan na ito. Pero para po sa mga hindi pa nakakaalam, ang bulkan po na ito ay walang iba kundi ang “Mount Mayon Volcano” o ang bulkang Mayon.


Maliban po sa nakaukit na nakatayo na babae at ang bulkang Mayon, mababasa naman po natin sa kanyang gilid ang mga nakaukit na salitang TWENTY FIVE CENTAVOS. Ito po ang siyang nagpapahayag sa face-value o halaga ng lumang barya na ito noong ito po ay ginamit sa sirkulasyon. Maliban po dito ay nakaukit naman po ang taong 1958.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa obverse o harapan na bahagi ng 1958 na 25 centavos coin:


  • Nakatayong babae

  • Bulkang mayon

  • TWENTY FIVE CENTAVOS

  • 1958


Reverse o Likurang Bahagi ng 1958 na 25 Centavos Coin


Sa kanyang reverse o likurang bahagi ay atin naman pong nakikita dito ang nakaukit na malaking selyo ng Bangko Sentral. Eto po ang lumang bersyon na selyo ng Bangko Sentral at napalitan na po ito ngayon. Meron na po silang bagong disenyo na atin naman pong makikita sa ating mga bago at kasalukuyang ginagamit na mga barya.


Atin pong nakikita na ang lumang selyo ng Bangko Sentral ay binubuo ng iba’t ibang mga simbolo. Nakikita po natin na meron po itong tatlong mga bituin, may isang araw, agila, at leon.


Sa gilid naman po nito ay ating naman pong mababasa ang nakasulat na CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa reverse o likurang bahagi ng ating 1958 na 25 centavos coin:


  • Lumang selyo ng Bangko Sentral

  • CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES


Mga Karagdagang Detalye ng 1958 na 25 Centavos Coin


Material Composition


Ang 1958 na 25 centavos coin ay gawa po ito sa materyal na “copper-zinc-nickel”


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat po nito ay nasa 5 grams


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 23.5mm


Kapal o Thickness 


At ang kapal po nito ay nasa 1.6mm


Price Value o Halaga ng isang 1958 na 25 Centavos Coin


Bago po ako magbitiw ng value o halaga na may kaugnayan sa ating lumang baryang 1958 na 25 centavos coin, nais ko lamang pong sabihin na meron po tayong iba’t ibang batayan para tukuyin ang tamang presyo nito. Kaya meron po talaga tayong mga eksperto na siyang nagsasagawa sa bagay na ito.


Pagdating po sa aking pamamaraan, ako lamang po ay nagsasaliksik at nagtatanong sa mga community groups na nagsasagawa ng bentahan sa mga lumang barya.


At base po sa aking nakalap na halaga ng isang 1958 na 25 centavos coin, ang halaga po nito ngayon ay nasa 69 pesos po. Uulitin ko lamang po mga ka-barya, ang halaga po ngayon ng isang 1958 na 25 centavos coin ay nasa 69 pesos at ito ay ang minimum price o sa presyon ito nag-uumpisa ang bentahan sa lumang barya na ito.


Dapat din po nating malaman na ang halaga ng mga lumang barya ay nagbabago po ito dahil nakadepende po ito sa supply at demand. Tumataas po ang halaga ng mga lumang barya kapag dumadami po ang bumibili nito. At bumababa naman po ang halaga ng mga ito kung walang gaanong bumibili sa mga ito.


Kung nais mo pong malaman ang mga pagbabago sa presyo ng mga lumang barya, meron po akong isang YouTube Channel (Pinoy Coin Hunter) at dito po ako madalas na nagpapahayag ng mga impormasyon ukol sa mga price updates.

Value o Halaga ng 1971 25 Sentimos

Ako po ay may isang metal detector na laruan kung saan ay mababaw lamang po ang kanyang ground penetration. Umaabot lamang po ito hanggang sa lalim na 12 inches. Pero sa pamamagitan po nito ay marami naman po akong natatagpuang mga lumang barya at ang isa sa mga ito ay ang 1971 na 25 Sentimos Philippine old coin.

Ang aking 1971 na 25 sentimos coin na ito ay akin pong na-detect sa aking bakuran kung saan ay isang dating basurahan. Nahukay ko po ito sa loob ng sampung pulgada kung saan ay nababalutan po ito ng lupa ang meron na po itong makapal na kalawang.


Kinuha ko po ito at aking lininis gamit lamang po ang tubig at malambot na tela. Dahan-dahan ko po itong lininis para hindi masira at naging maayos naman po ang kinalabasan nito. Malinaw naman po nating mababasa at nakikita ang mga nakaukit nitong mga detalye.


Atin pong kilalanin ang aking 1971 na 25 sentimos coin sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaukit po nitong mga detalye.


Obverse o Harapan ng Bahagi ng 1971 na 25 Sentimos Coin


1971 24 Sentimos Obverse


Sa larawan po na ito ay atin pong nakikita ang harapan na bahagi ng aking 1971 na 25 sentimos coin. Meron na po itong mga kalawang pero ang mahalaga ay malinaw po nating nakikita ang mga nakaukit nitong mga detalye.


Dito po sa kanyang gitna ay atin pong nakikita ang nakaukit na isang kalasag. Ang tawag po ng ilan sa atin dito ay “Shield of Arms”. Sa gitnang bahagi po nito ay may nakaukit na isang araw na may mga sinag. Ang itaas pong bahagi nito ay may tatlong mga bituin. At sa ibabang bahagi naman po nito ay may nakaukit na dalawang hayop. Dito sa kanan ay nakaukit ang isang mabangis na leon at sa kaliwa naman po nito ay isang agila.


Mapapansin po natin ang isang ribbon dito sa ilalim ng shield of arms. May nakaukit pong detalye sa loob ng ribbon na ito pero hindi po kita sa ating lumang barya na ito. Ang nakasulat po sa loob nito ay REPUBLIKA NG PILIPINAS.


Sa gilid na bahagi naman po ng ating lumang barya na ito ay nakaukit ulit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS. At maliban po dito ay ang taon na 1971.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye sa harapang bahagi ng 1971 na 25 sentimos coin:


  • Shield of Arms na simbolo

  • REPUBLIKA NG PILIPINAS

  • 1971


Reverse o Likurang Bahagi ng 1971 na 25 Sentimos Coin


1972 25 Sentimos Reverse


Ito naman po ang larawan sa likurang bahagi ng 1971 na 25 sentimos coin. Mapapansin po natin na meron din po itong mga kalawang na dulot po ng matagal na pagkakabaon nito sa ilalim ng lupa.


Dito po sa kanyang gitna ay agad po nating mapapansin ang malinaw na nakaukit na mukha ng isang tao na nakaharap sa bandang kaliwa. Ang kanyang pangalan ay atin naman pong mababasa dito sa kaliwang ibabang bahagi ng ating lumang barya na ito. Ang nakaukit po ito ay ang pangalang JUAN LUNA.


Para po sa mga hindi nakakaalam, si Juan Luna ay tinaguriang “director of war”. Maliban dito, siya po ay nakilala dahil sa kanyang katapangan at kakaibang paraan ng pakikipaglaban.


Sa gilid na bahagi naman po ng ating lumang barya na ito ay nakaukit naman po ang mga detalyeng LIMANGPUNG SENTIMOS at ang numerong 25. Ang mga detalyeng ito ang siya pong nagpapahayag sa face-value nito noong ito ay na-gamit sa sirkulasyon.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye sa likurang bahagi ng ating 1971 na 25 Sentimos coin na ito:


  • DALAWAMPU'T LIMANG SENTIMOS
  • 25
  • JUAN LUNA
  • Nakaukit na mukha ng tao na nakaharap sa bandang kaliwa


Mga Karagdagang Detalye ng 1972 na 25 Sentimos Coin


Material Composition


Ang mga 1972 na 25 sentimos coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay “copper-zinc-nickel”.


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 4 grams.


Diameter


Ang sukat naman po sa diametro nito ay nasa 21 mm.


Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 1.72 mm.


1971 25 Sentimos Reeded Side


Price Value o Halaga ng 1971 25 Sentimos Coin


Ang aking 1971 na 25 sentimos coin na akin pong ginamit bilang halimbawa ay isa po itong “common coins” o karaniwang barya. Kapag sinabi po natin na ang isang lumang barya ay common coins, ibig pong sabihin ay marami po ay may hawak ng ganitong uri ng lumang barya. At kung marami po ang may hawak nito, asahan natin na mababa lamang po ang presyuhan sa mga ito.


Ang presyuhan sa mga lumang barya ay meron po itong ilang mga batayan. At tanging mga eksperto sa mga lumang barya ang siyang nakakaalam sa mga ito. Kaya para ating malaman kung ano tamang halaga ng ating lumang barya, kailangan po natin itong dahil at ipasuri sa isang eksperto.


Pagdating po sa akin ay hindi po ako eksperto sa pagsusuri ng mga lumang barya at sabihin kung ano ang value o halaga nito. Ang akin pong paraan ay sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga community groups. At ito po ang siyang aking ginawa sa 1971 na 25 sentimos coin. Eto po ang aking nakalap na presyo po nito:


UNC = ?


XF = 12.96 pesos


VF = 8.25 pesos


At ayan po ang aking mga nakalap na presyo ng 1971 na 25 sentimos coin. Ngunit ang aking isinaad na presyo po nito ay ang minimum price lamang po. Ibig pong sabihin ay dito po nag-uumpisa ang presyuhan sa lumang barya na ito sa pagitan ng buyer at seller nito.


Ang isa pang mahalagang bagay na dapat po nating malaman ay hindi po talaga stable o steady ang presyo ng ating mga lumang barya. Sadyang malaki po ang epekto ng supply at demand. Kaya maaari pong tumaas ang value o halaga ng isang lumang barya sa sunod na buwan at pwede na rin po itong biglang bumagsak.


Dahil po sa patuloy na paggalaw o pabago-bagong presyuhan sa ating mga lumang barya, ako po ay gumawa ng ating YouTube Channel na akin pong pinamagatang Pinoy Coin Hunter. Ang layunin po ng ating YouTube Channel na ito ay para magbigay ng price update sa ating mga lumang barya.

25 Sentimo 1985 Philippine Old Coin Value

Napulot ko lamang po ang aking 1985 na 25 Sentimo coin na ito. Habang ako po ay naglalakad sa daan, nakita ko po ito at ako ay nag-aalangan kung pupulutin ko po ito o hindi. Sapagkat marami na rin po akong mga taong kasabay sa panahon na iyon.

Dahil sa gusto ko po talagang pulutin ito, pinilit ko po ang aking sarili at nagawa ko po itong pulutin gamit ang aking mga kamay. May mga taong na-patingin sa akin pero mabuti na lamang at wala sa kanila ang nagtangkang pumuna sa akin.


At nang ito ay nasa aking kamay, dito ko nalaman na ito ay isang 1985 na 25 Sentimo Philippine old coin. Medyo marami na po itong mga gasgas at medyo kupas na ang mga nakaukit nitong mga detalye.


Kilalanin po natin ang lumang barya na ito sa pamamagitan ng pagsuri sa mga detalyeng nakaukit sa magkabilang bahagi nito.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1985 na 25 Sentimo Coin



Umpisahan po natin ang pagkilala sa 1985 na 25 Sentimo coin na ito dito sa kanyang obverse o harapan na bahagi. Dito po sa kanyang gitna ay meron po tayong mapapansin na isang nakaukit na mukha ng tao. At siya po ay nakaharap sa bandang kanan.


Atin po siyang makikilala dahil nakaukit naman po dito sa baryang ito ang kanyang buong pangalan. Nakaukit po dito ang kanyang pangalang JUAN LUNA. Siya po ay si Juan Luna kung saan siya ay kilala bilang tanyag na pintor dito sa ating bansa.


Dito po gilid na bahagi ng ating lumang barya na ito ay nakaukit naman po ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1985.


Muli po nating i-buod ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1985 na 25 sentimo coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • JUAN LUNA
  • 1985
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa kanan


Reverse o Likurang Bahagi ng 1985 na 25 Sentimo Coin



Atin pong baliktarin ang ating lumang barya at eto po naman ang mga nakaukit na detalyeng atin pong makikita. Dito po sa kanyang saktong gitna ay may nakaukit na isang napakagandang insekto. Isa po itong uri ng paro-paro na madalas po nating makita sa ating kapaligiran.


Dito po sa kanyang ibaba ay atin pong mababasa ang nakaukit na dalawang salita. Ang dalawang salita po na ito ay GRAPHIUM IDAEOIDES. Ang salita po na ito ay ang scientific name o ang biological name ng paro-parong nakaukit sa lumang barya na ito.


Muli po nating i-buod ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1985 na 25 sentimo coin:


  • Nakaukit na paro-paro
  • 25 SENTIMO
  • GRAPHIUM IDAEOIDES


Mga Karagdagang Detalye ng 1985 na 25 Sentimo Coin


Material Composition


Ang mga 1985 na 25 Sentimo coin ay gawa po ang mga ito sa materyal na bagay na kung tawagin ay “brass”. Ang brass ay mas karaniwan po itong ginagamit sa mga “electrical plugs” at “sockets”.


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 3.9 grams.


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 25 millimeter.



Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 1.68 millimeter.



Price Value o Halaga ng 1985 na 25 Sentimo Coin


Ang mga 1985 na 25 Sentimo coin ay “common coins” po ang mga ito. Sa katunayan ay naabutan ko po ang lumang barya na ito kung saan ay amin pong ginamit sa sirkulasyon. At dahil sa isa po itong common coins o karaniwang uri ng barya, marami po ang may hawak nito. Maging ako ay meron din po akong ilang mga piraso nito sa aking tinatagong mga koleksyon.


Dahil sa marami po ang may hawak ng 1985 na 25 Sentimo coin, madali lamang pong makahanap ng taong gustong magbenta ng ganitong lumang barya. Kaya ang tanong ng karamihan ay kung magkano nga ba ang value o halaga ng isang 1985 na 25 Sentimo coin?


Hindi po ako isang eksperto sa pagsusuri ng mga lumang barya at sasabihin kung ano ang tugma nitong halaga. Ang tamang pag-presyo sa isang lumang barya ay kailangan pong dumaan sa maingat na pagsusuri ng isang eksperto. At ito po ay may ilang mga batayan.


Ngunit pagdating po sa akin, ang aking ibabagi na presyo dito ay batay po sa aking pagtatanong sa mga community groups. At base po sa king pagtatanong sa mga community groups ukol sa presyuhan ng 1985 na 25 Sentimos coin, eto po ang mga sumusunod na presyo na akin pong nakalap:


UNC =?


XF = 21.12 pesos


VF = 14.15 pesos


At ayan po mga ka-barya ang aking mga nakalap na presyo ng mga 1985 na 25 Sentimo coin. Ang presyo po na ito ay ang “starting price” po nito kung saan mag-uumpisang mag-usap ang buyer at seller. Kaya kung ang lumang barya na gusto mo pong ibenta ay meron po itong napakagandang kondisyon, tiyak at asahan mo na mas mataas ang magiging presyo po nito kumpara sa nakasaad dito.


Dapat din po nating malaman na ang presyo ng mga lumang barya ay nagbabago po ang mga ito. Hindi po ito fix o stable. Kaya ang aking isinaad na presyo po dito ay maaaring nagbago na po ito ngayon.


Dahil sa pabago-bagong presyuhan ng mga lumang barya, aking naisip na ako ay gumawa ng aking YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako madalas maglabas ng mga impormasyon ukol sa price update ng ating mga lumang barya.

1972 25 Sentimos Philippine Old Coin Value o Halaga

Meron po tayong isang larawan dito ng lumang barya na siyang atin pong pag-uusapan kung saan ito po ay aking nabili sa iba. Ito po ay isang 1972 25 Sentimos Philippine old coin.

Base po sa itsura nito, mapapansin po natin na medyo maganda ang kondisyon nito. At ito po ang siyang dahilan kung bakit medyo may kamahalan ang kanyang halaga.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1972 25 Sentimos Coin



Ang atin pong nakikitang unang larawan dito ay ang harapan na bahagi ng isang 1972 25 Sentimos Philippine old coin. Dito po sa kanyang gitna ay ating pong makikita ang nakaukit na isang napakaganda at mala disenyong kalasag. Sa wikang Ingles ay mas kilala po ito sa tawag na “Shield of Arms”.

Sa gilid na bahagi naman po nito ay nakaukit ang mga detalye na binubuo ng mga salitang REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1972. Sadyang napakalinaw po ang pagkakaukit ng mga detalye na ito kung saan ay napakadali po ng mga itong mabasa.


Nais ko lamang pong ipagbigay alam na kapag ganito po ang kondisyon ng iyong hawak na lumang barya kung saan ay malinaw at madaling basahin ang mga nakaukit nitong detalye, marami pong mga kolektor ang magkaka interes na bilhin ito. Kaya alagaan po nating mabuti ang ating mga tinatagong lumang barya.


Muli lamang po nating balikan ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1972 na 25 sentimos coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1972
  • Lumang logo ng BSP


Reverse o Likurang Bahagi ng 1972 25 Sentimos Coin


Eto naman po ang larawan sa likurang bahagi ng ating lumang barya. Dito po sa kanyang gitna ay meron pong nakaukit na isang mukha ng tao at siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa. Ang nakaukit po dito ay mukha ng isang dakila at tanyag na pintor at siya po ay walang iba kundi si “Juan Luna”. Nakaukit po ang kanyang buong pangalan dito sa kaliwang bahagi malapit sa ibaba.

Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga detalyeng DALAWAMPU’T LIMANG SENTIMOS at numerong 25. Ang mga detalyeng ito ay ang siyang malinaw na nagpapahayag sa Face Value nito bilang isang barya sa sirkulasyon.


Muli lamang po nating balikan ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1972 na 25 sentimos coin:


  • DALAWAMPU'T LIMANG SENTIMOS
  • 25
  • JUAN LUNA
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharapa sa bandang kaliwa


Mga Karagdagang Detalye ng 1972 25 Sentimos Coin


Material Composition


Ang 1972 25 Sentimos Philippine old coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay “Copper-Nickel”.


Weight o Timbang


Pagdating naman po sa kanyang timbang, eto po ay nasa 4 grams.


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 21 mm.



Kapal o Thickness

Ang kanya pong kapal o thickness ay nasa 1.72 mm.




Price Value o Halaga ng 1972 25 Sentimos Coin


Marami po talaga sa atin ang may hawak ng ganitong uri ng lumang barya at ito ay nais nilang ibenta. Kaya hindi po natin maiwasan na may magtanong kung magkano ang value o halaga nito ngayon.


Ang pagtukoy sa value o halaga ng isang lumang barya ay meron po itong ilang mga batayan. At ang ilan lamang po sa mga batayan na ito ay tulad ng itsura o kondisyon nito.


Ang aking 1972 25 Sentimos coin na akin pong ipinakita bilang halimbawa ay medyo maayos po ang kanyang itsura. Sa katunayan ay isa din pong kolektor ang siyang dating may-ari nito kaya medyo maayos ang pagkakatago po nito.


Hindi ko na po ang babangitin kung magkano ko po nabili ang lumang barya na ito. Pero pagdating po sa mga community groups, ang presyuhan po sa mga 19725 25 Sentimos coin ay ang sumusunod:


UNC = 27.16 pesos


XF = 20.67 pesos


VF = ?


Ayan po mga ka-barya. Sadyang mas mahal po ang UNC na bersyon kumpara sa mga XF na bersyon.


Nais ko lamang pong sabihin na ang presyo po na aking isinaad dito ay base lamang po sa pinakahuli kong pagtatanong sa mga community groups. Ibig ko pong sabihin ay hindi po talaga Fixed o Stable ang presyo ng mga lumang barya. Ang mga ito ay sadya pong tumataas o bumabagsak.


Kung nais mo pong subaybayan ang mga pagbabago sa presyuhan ng mga lumang barya, meron po akong isang YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako nagbibigay ng mga impormasyon sa mga Updates sa presyo ng mga lumang barya.


Eto ang isa sa aking mga ginawang bidyo tungkol dito sa ating 1972 na 25 sentimos coin.