Ako po ay isang suki sa tindahan ng mga gulay malapit lamang sa amin. Buo po ang aking ibinayad kaya kailangan pong suklian ng tindera ang aking pera. Maraming piraso po ng mga pisong barya ang kanyang isinukli at labis din po akong natuwa dahil baka may “error coin” po dito.
Nang akin pong natanggap ang aking sukli, hindi ko po talaga binibilang ang mga ito kahit mukhang binibilang ko po ito. Sa katunayan ay sinsuri ko po ang bawat isa kung may kakaiba sa mga ito at hindi ko po binibilang kung tama ba ang aking sukli o hindi.
At sa panahon na iyon, laking gulat ng aking nakita ang nahalong isang commemorative coin sa aking natanggap na sukli. Nagmadali na rin akong umalis sa tindahan baka mapansin ng tindera ito ay kanyang palitan ng karaniwang uri na bersyon nito.
Ayon po ang buong kwento kung paano ko po nakuha ang aking 1 Piso 150 Years na commemorative coin na ito. Atin po itong kilalanin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga nakaukit nitong mga detalye sa harap at likod nito.
Obverse o Harapan na Bahagi ng 150 Years Jose Rizal Commemorative Coin
Dito po sa kanyang gitnang bahagi ay may nakaukit po na isang malaking mukha ng tao. Siya po ay nakaharap sa atin kung saan po ay parang nakatingin ng direkta sa atin. Wala pong nakaukit dito na pangalan na di po tulad ng mga karaniwang barya. Ngunit pagdating pa lamang po sa kanyang itsura, agad po nating masasabing siya po ay walang iba kundi ang bayaning si Jose Rizal.
Sa kanang gilid po nito ay nakaukit naman po ang 150 YEARS. At sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taong 1861 at 2011. Isinasaad po ng mga detalyeng ito na ang barya po na ito ay ginawa para gunitain ang ika-isang daan at limampung taong anibersaryo ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Ulitin lamang po natin ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 150 years Jose Rizal commemorative coin:
- REPUBLIKA NG PILIPINAS
- 150 YEARS
- 1861 2011
- Nakaukit na mukha ng ating bayaning si Doktor Jose Rizal
Reverse o Likurang Bahagi ng 150 Years Jose Rizal Commemorative Coin
Dito naman po tayo sa likurang bahagi ng ating commemorative coin na ito. Mapapansin po natin na meron po itong napakagandang disenyo. Sa kanyang saktong gitna ay mapapansin po natin na may nakaukit na isang ulo ng agila at ito po ay nakaharap sa bandang kanan. Sa ibaba po nito ay mapapansin din po natin na may tatlong mga bituin.
Paikot sa nakaukit na ulo ng agila ay nakaukit naman po ang mga salitang BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS. At sa gilid, itaas at kaliwang bahagi ay may nakaukit pong tatlong mga sinag. Ang tatlong mga sinag po na ito ay kumakatawan sa tatlong malalaking rehiyon ng ating bansa kung saan ay ang Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa ibabang bahagi naman po ng ating barya na ito ay nakaukit ang 1 PISO na siyang nagsasaad sa face-value po nito bilang barya sa ating sirkulasyon. Dito naman po sa kanyang kanang gilid ay nakaukit ang taong 2011.
Ulitin lamang po natin ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 150 years na Jose Rizal commemoratice coin:
- BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS
- 1 PISO
- 2011
- Nakaukit na bagong logo ng BSP
Mga Karagdagang Detalye ng 150 Years Jose Rizal Commemorative Coin
Material Composition
Ang mga baryang 150 Years Jose Rizal na commemorative coin ay gawa po ito sa mga materyal na bagay na kung tawagin ay “copper-nickel plated steel”.
Weight o Timbang
Ang bigat o timbang po nito ay nasa 5.4 grams.
Diameter
Ang diametro po nito ay nasa 24 mm.
Kapal o Thickness
Ang kapal naman po nito ay nasa 1.9 mm.
Price Value of Halaga ng 150 Years Jose Rizal Commemorative Coin
Ang 1 Peso 1861-2022 Jose Rizal Commemorative Coin ay hindi po ito “common coins” o karaniwang barya. Ginawa lamang po ito ng BSP para ipagdiwang ang ika-150 na taon ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Ibig pong sabihin ay hindi po gaanong marami ang ganitong uri ng barya. At dahil dito ay i-ilan lamang po ang may hawak ng mga ito.
Pero kahit bihira tayong maka-engkwentro ng ganitong commemorative coin, marami pa rin po ang gustong magbenta nito. Sa aking YouTube Channel, marami po ang nagtatanong kung magkano ang value o halaga nito ngayon?
Nais ko pong sabihin na ako po ay hindi isang eksperto sa pagsusuri ng mga lumang barya para tukuyin kung ano ang nararapat nitong value o halaga. Sapagkat marami pong mga batayan ang kailangang isaalang-alang bago po natin matukoy ang tamang presyo ng isang barya.
Ang akin pong ginagawa ay ang paraan ng pagtatanong sa mga community groups. Marami po tayong mga community groups kung saan ang layunin ng mga grupong ito ay ang mabenta o bumili ng mga barya. At sa akin pong pagtatanong sa presyuhan ng 1 Peso 1861-2011 Jose Rizal Commemorative Coin, eto po ang mga sumusunod na halagang akin pong nakalap:
UNC = 71.25 pesos
At ayan po ang presyo ng isang 1 Peso 150 Years Jose Rizal na commemorative coin. Ang presyo po na ito ay ang minimum price o ang starting price kung saan po magsisimula ang usapan ng buyer at seller. Kaya kung ikaw po ang seller ay maganda po ang kondisyon ng iyong hawak na barya, tiyak po na mas mataas po ang magiging presyo nito.
Nais ko lamang pong ipagbigay alam na ang presyo ng mga barya ay pabago bago po ang mga ito. Pwede po itong tumaas at pwede na rin po itong bumaba. Sa madaling salita ay pwedeng iba na po ang presyo ngayon ng 1 Peso 150 Years Jose Rizal commemorative coin sa aking isanaad na presyo dito.
Dahil sa bagay na ito, ako po ay gumawa ng aking YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. At dito po ako madalas magbigay ng price updates sa ating mga lumang barya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento