Dahil po sa kakaibang hugis ng dalawang pisong lumang barya na ito, marami pong mga kolektor ang bumibili at nagkokolekta nito.
Ang larawan po dito ng mga lumang barya ay hindi po sa akin. Ito po ay pagmamay-ari ng ating ka-barya kung saan ito po ay nais niyang ipakita para malaman kung ano ang ating masasabi dito.
Atin pong nakikita sa larawan na ito ang mga koleksyon ng ating ka-barya na mga 2 Piso Philippine old coins. Wala po akong ideya kung ilang piraso po ang mga ito. Ngunit base po sa aking naging pagbilang, ito ay nasa 17 pieces o labing pitong piraso.
1983 2 Piso Coin
Sa larawan po na ito ay akin pong binilugan ang kanyang 1983 na 2 Piso coin. Nakaukit po dito ang mukha ng ating bayaning si Andres Bonifacio at ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS, ANDRES BONIFACIO, at ang taong 1983.
Ang kondisyon naman nito ay masasabi kong medyo maayos naman po. Kaya base lamang po sa aking sariling estimasyon sa value o halaga nito, ito ay maaaring nasa 54 pesos.
1984 2 Piso Coin
Dito sa larawan naman po na ito ay aking binilugan ang kanyang 1984 na 2 Piso coin. Natakpan po ito ng 1989 kaya hindi po natin alam kung meron itong mga gasgas. Dapat po nating malaman na ang kondisyon ng isang lumang barya ay isang batayan sa presyuhan nito.
Ang bentahan po ng mga 1984 na 2 piso coins sa mga community groups ngayon ay nasa 48 pesos.
1986 na 2 Piso Coin
Sa larawan naman po na ito ay aking binilugan ang 1986 na 2 Piso coin ng ating ka-barya. Base po sa larawan na ito, ang kanyang kondisyon ay masasabi ko pong maayos naman po kung saan ay wala po itong gaanong gasga.
Ngunit ang mga 1986 na 2 Piso coin sa ngayon ay nagkakahalaga ng 27 pesos. Bakit mas mura ang value o halaga nito gayung halos magkapareho sila ng kondisyon sa 1984 na bersyon?
Dapat po nating malaman na hindi lamang po sa kondisyon ng lumang barya ang ating batayan sa presyuhan ng mga ito. Ang dahilan kung bakit mas mababa ang presyo ng 1986 na bersyon kumpara sa 1984 at 1986 ay dahil sa “rarity” po nito.
Ang rarity ay ang bilang ng lumang barya o ang natitirang bilang ng lumang barya. Kaya kung konti na lamang po ang bilang ng isang lumang barya, sadyang tataas po ang halaga nito dahil magiging marami ang maghahanap nito.
Ayan po ang mga dalawang pisong lumang barya ng ating ka-barya. Hindi ko po masasabi kung magkano po lahat ang kabuuang halaga na mga ito sapagkat, kailangan po nating isa-isahin ang mga ito.
Pero kung e-estimahin po natin ang halaga nito, sabihin na lamang po natin na ang value o halaga ng bawat ay isa nasa 30 pesos. At gaya po ng aking sinabi kanina, ang aking naging pagbilang sa kung ilang piraso ang mga ito ay nasa 17 pieces.
Ang sunod ay i-multiply lamang po natin ang 30 pesos sa 17 pieces. At ang resulta ay nasa 510 pesos. Dahil sa resultang ito, pwede po nating sabihin na ang kabuuang halaga ng mga 2 Piso coins ng ating ka-barya dito ay nasa 500 hanggang 700 pesos.
Kung meron po kayong mga lumang barya at nais po ninyo itong ipasuri tulad ng ating ginawa dito, maaari po ninyong ipadala ang larawan ng mga ito sa aking eMail address na pinoycoinhunter@gmail.com.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento