Wala po talaga akong interes sa mga foreign coins kaya konting lamang ang aking kaalaman tungkol sa mga ito. Pero para sa ating ka-barya na nagpadala sa larawan ng kanyang lumang barya na ito, ako po ay nagsagawa ng aking ibayong pagsasaliksik.
Obverse o Harapang Bahagi ng Apollo 11 Commemorative Coin
Ang atin pong nakikita sa larawan na ito ay ang harapan ng Apollo 11 commemorative coin. Mapapansin po natin dito na may tatlong mga nakaukit na mukha ng tao. Base po sa aking pagsasaliksik, ang tatlong mga taong ito ay mga astronauts kung saan ay sila po ang kauna-unahang lumapag sa ibabaw ng buwan sa ating kasaysayan.
Ang nakaukit pong mukha mula sa kaliwa ay is Collins. Ang nasa gitna naman po ay si Armstrong na sinundan naman po ni Aldrin. Ang kanilang mga pangalan ay nakaukit naman po sa lumang barya na ito.
Sa ibaba po nito ay nakaukit ang detalyeng APOLLO 11.
Reverse o Likurang Bahagi ng Apollo 11 Commemorative Coin
Eto naman po ang likurang bahagi ng Apollo 11 commemorative coin. Nakikita po natin dito ang nakaukit na space shuttle na nakalatag sa ibabaw ng buwan. Sa kalayuan ay isang hugis bilog na siyan naman pong kumakatawan sa mundo.
Sa itaas na kanang bahagi po ng lumang barya na ito ay may nakaukit pong mga detalye na nagsasaad ng MAN’S FIRST LUNAR LANDING JULY 20-21 1969.
Ang Value o Halaga ng Apollo 11 Commemorative Coin
Sa aking pagsasaliksik, sadyang kaunti lamang po ang mga taong nagbebenta ng ganitong lumang barya. Sinubukan ko na rin pong nagtanong sa mga community groups pero wala sa kanila ay ang may hawak ng ganitong lumang barya.
Ngunit meron lamang po akong nakitang isang online store na nagbebenta ng isang Apollo 11 commemorative coin. At base sa presyo na akin pong nakita, ito po ay nagkakahalaga ng 1061 pesos. Pero ang listed date po nito ay noong nakaraang isang taon. Kaya maaaring ang halaga po nito ngayon ay posibleng tumaas o bumaba.
Kung nais mo pong ipasuri ang iyong lumang bara at malaman kung magkano ang value o halaga nito, kuhanan mo lamang po ito ng larawan ay iyong ipadala sa aking eMail address na pinoycoinhunter@gmail.com.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento