Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Foreign Coins. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Foreign Coins. Ipakita ang lahat ng mga post

Dalawang Queen Elizabeth II na Barya

Meron pong ipinakita ang ating ka barya na isang larawan kung saan ay naglalaman po ito ng kanyang iba’t ibang mga kinolekta na mga barya. Ngunit sa lahat ng mga ito, ang sadyang higit na naka agaw sa aking pansin ay ang kanyang dalawang Queen Elizabeth II na lumang barya.

Old Coins

Nitong mga nakaraang buwan ay pumanaw po siya noong September 8, 2002. Ayon po  sa mga balita, ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay dahil sa katandaan.


Nang siya po ay pumanaw, hindi ko po inaasahan na biglang tataas ang presyo ng mga barya na nakaukit ang mukha ng pumanaw na reyna. Maliban sa mga barya ay pati na rin po sa mga perang papel. Bigla pong dumami ang naghahanap nito at handa po silang bilhin ito sa mataas na halaga.


Obverse o Harapan na Bahagi ng Australia Elizabeth II Coin


Meron po siyang dalawang barya dito kung saan ay mga Australian Elizabeth II. Ang isa po ay mas malaki ang sukat nito at ang pangalawa naman po ay mas maliit ang sukat nito. Pero magkapareho po sila ng disenyo.


Queen Elizabeth II Coins


Ang atin pong nakikita na side nito ay ang harapan nitong bahagi.


Nakikita po natin sa gitna ang nakaukit na mukha ng pumanaw na si Queen Elizabeth na nakaharap sa ating kanan. At suot po niya ang kanyang korona.


Dito po sa kaliwang gilid nito o likod na nakaukit na mukha ng reyna ay nakasulat naman po ang kanyang pangalan na ELIZABETH II. At sa kanang gilid naman po nito ay nakasulat ang AUSTRALIA at ang taong 1998 sa mas maliit na barya. Ang mas malaki naman po ay may taong 1997.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa obverse side o harapan na bahagi ng Australia Queen Elizabeth II na barya:


  • Mukha ng pumanaw na reynang si Queen Elizabeth II

  • ELIZABETH II

  • AUSTRALIA

  • 1997 (Sa mas malaking barya)

  • 1998 (Sa mas maliit na barya)


Reverse o Likurang Bahagi ng Australia Elizabeth II Coin


Walang pong kuha ang ating ka barya sa likurang bahagi o reverse side ng kanyang dalawang Queen Elizabeth II coins dito.


Pero ang nakaukit po sa reverse side o likuran po nitong bahagi ay isa pong hayop at numero na siyang nagsasaad sa face-value nito bilang isang barya sa sirkulasyon.


Ang Halaga o Value ng Australia Queen Elizabeth II na Barya


Gaya po ng aking binanggit, ang presyuhan po sa mga Queen Elizabeth na mga barya ay bigla po itong nag taasan nang pumanaw ang sikat na reyna. Ngunit mga dayuhan po ang karamihang mga kolektor ang siyang naghahanap sa mga ito.


Sa akin pong pagsasaliksik ay meron po akong nakitang isang seller kay eBay na nagbebenta ng kanyang Australia Queen Elizabeth II kung saan ay parehong pareho po ang itsura nito dito sa ating mga larawan dito. Ngunit ang face-value ng sa kanya ay 5 Cents.


Eto po ay kanyang ibenebenta sa halagang $6.50 kung saan ang katumbas po nito ay nasa PHP 362.54. Kaya sabihin na lamang po natin na ang 5 Cents na Queen Elizabeth II na barya nagkakahalaga po ito na PHP 300 at maaaring umabot ng hanggang PHP 400.


1998 Hong Kong na One Dollar Coin Magkano ang Halaga nito

Meron tayong larawan dito ng dalawang barya. Ang nasa kaliwa ay isang foreign coin at ang nasa kanan naman ay isang lumang barya o isang Philippine Old Coin.


Ang lumang barya na ito ay isang 50 sentimos coin at meron po itong taon na 1972. Meron na po akong ginawang post tungkol sa lumang barya na ito kaya ang atin pong pagtutuunan ng pansin dito ay tungkol po dito sa kanyang kasamang barya na One Hong Kong Dollar.


Obverse Side o Harapan na Bahagi ng One Hong Kong Dollar


Ang atin pong nakikita na bahagi ng foreign coin dito sa itaas ay ang kanyang “obverse side” o harapan na bahagi.


Atin pong nakikita sa kanyang gitnang bahagi ang isang nakaukit na malaking numerong “1”. At ito po ang siyang nagsasaad sa kanyang face-value.


Sa ilalim po ng nakaukit na numerong 1 ay ang taon na 1998. Tulad ng ibang mga barya, ito po ang kanyang taon kung kailan po ito inilabas sa sirkulasyon.


Ang sunod naman o ang nakaukit sa ilalim ng taon nito ay ang detalyeng “ONE DOLLAR”. Dahil sa detalyeng ito, alam na po natin na ang face-value ng foreign coin na ito ay isa po itong isang dolyar.


May dalawang nakaukit naman pong simbolo sa itaas ng numerong 1. Pero wala po akong ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Base sa aking sariling opinyon, ito po ay sulat ng mga intsik at ang kanilang kahulugan ay maaaring meron po itong kaugnayan sa baryang ito.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng foreign coin na ito:


  • Numerong 1

  • 1998

  • ONE DOLLAR

  • At dalawang simbolo na hango sa sulat ng mga intsik


Reverse Side o Likurang Bahagi ng One Hong Kong Dollar


Eto naman po ang likurang bahagi ng foreign coin na ito.


Atin pong nakikita sa kanyang gitna ang isang napakagandang nakaukit na isang halaman o bulaklak. Wala po akong ideya kung anong uri ng halaman ito pero ang masasabi ko po dito ay sadyang napakaganda talaga ang kanyang pagkakaukit.


May dalawang nakaukit ulit dito na mga simbolo kung saan base sa aking sariling opinyon ay sulat ng mga intsik. Ang mga simbolong ito ay siyang maaaring nagbibigay ng detalye sa pangalan ng nakaukit na halaman dito.


Maliban po sa nakaukit na halaman at dalawang simbolo ay nakaukit din po ang pangalan ng isang bansa kung saan po ay HONG KONG. Dahil dito ay alam na po natin na ang baryang ito ay mula po ito sa bansang Hong Kong pero wala po akong ideya kung paano po ito napadpad dito sa Pilipinas.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng Hong Kong dollar coin na ito:


  • Isang halaman o bulaklak

  • HONG KONG

  • Dalawang simbolo o sulat ng mga intsik


Magkano ang Bentahan ng One Hong Kong Dollar na may taong 1998


Hindi po ako eksperto sa pagsusuri ng mga foreign coin para tukuyin kung ano ang angkop nitong “value” o halaga. Pero meron po akong ginagawa na ibang paraan at ito po ang pagsasaliksik.


Sa akin pong pagsasaliksik ay meron po akong nakitang isang seller na nagbebenta na rin ng kanyang one Hong Kong dollar na may taong 1998. Ito po ay kanyang ibenebenta sa halagang $7.20 o nasa 402.16 pesos. Ang presyo po na ito ay batay sa petsa na January 3, 2023.


Dapat po nating malaman na ang bentahan ng mga barya ay nagbabago po ang mga ito. Ang mga ito ay tumataas o bumababa kung saan ay nakadepende po ito sa “supply” at “demand”.



Apollo 11 Commemorative Coin

Meron po tayong isang kakaibang lumang barya dito na mula sa ating ka-barya. Eto po ay tinatawag na Apollo 11 Commemorative Coin at hindi po ito Philippine old coin. Isa po itong foreign coin.

Wala po talaga akong interes sa mga foreign coins kaya konting lamang ang aking kaalaman tungkol sa mga ito. Pero para sa ating ka-barya na nagpadala sa larawan ng kanyang lumang barya na ito, ako po ay nagsagawa ng aking ibayong pagsasaliksik.


Obverse o Harapang Bahagi ng Apollo 11 Commemorative Coin


Apollo 11 Commemorative Coin


Ang atin pong nakikita sa larawan na ito ay ang harapan ng Apollo 11 commemorative coin. Mapapansin po natin dito na may tatlong mga nakaukit na mukha ng tao. Base po sa aking pagsasaliksik, ang tatlong mga taong ito ay mga astronauts kung saan ay sila po ang kauna-unahang lumapag sa ibabaw ng buwan sa ating kasaysayan.


Ang nakaukit pong mukha mula sa kaliwa ay is Collins. Ang nasa gitna naman po ay si Armstrong na sinundan naman po ni Aldrin. Ang kanilang mga pangalan ay nakaukit naman po sa lumang barya na ito.


Sa ibaba po nito ay nakaukit ang detalyeng APOLLO 11.


Reverse o Likurang Bahagi ng Apollo 11 Commemorative Coin


Apollo 11 Old Coin


Eto naman po ang likurang bahagi ng Apollo 11 commemorative coin. Nakikita po natin dito ang nakaukit na space shuttle na nakalatag sa ibabaw ng buwan. Sa kalayuan ay isang hugis bilog na siyan naman pong kumakatawan sa mundo.


Sa itaas na kanang bahagi po ng lumang barya na ito ay may nakaukit pong mga detalye na nagsasaad ng MAN’S FIRST LUNAR LANDING JULY 20-21 1969.


Ang Value o Halaga ng Apollo 11 Commemorative Coin


Sa aking pagsasaliksik, sadyang kaunti lamang po ang mga taong nagbebenta ng ganitong lumang barya. Sinubukan ko na rin pong nagtanong sa mga community groups pero wala sa kanila ay ang may hawak ng ganitong lumang barya.


Ngunit meron lamang po akong nakitang isang online store na nagbebenta ng isang Apollo 11 commemorative coin. At base sa presyo na akin pong nakita, ito po ay nagkakahalaga ng 1061 pesos. Pero ang listed date po nito ay noong nakaraang isang taon. Kaya maaaring ang halaga po nito ngayon ay posibleng tumaas o bumaba.


Kung nais mo pong ipasuri ang iyong lumang bara at malaman kung magkano ang value o halaga nito, kuhanan mo lamang po ito ng larawan ay iyong ipadala sa aking eMail address na pinoycoinhunter@gmail.com.