Ang 50 Limangpung Sentimos 1972 Coin Value o Halaga

Dito po sa ibaba ay meron po tayong isang litrato o larawan ng lumang barya na “50 Sentimos 1972 Philippine Old Coin”. Mapapansin po natin sa kanyang gilid na bahagi ne meron po itong mga nakaukit na mga letra. At kung babasahin po natin ito, binubuo nito ang salitang“LIMANGPUNG SENTIMOS”. Lahat po ng mga letra na bumubuo sa salitang ito ay naka “Capital Letters” po ang mga ito.

Obverse o Harapang Bahagi ng 50 Sentimos 1972

Dito naman po sa gitnang bahagi ng lumang barya na ito, malinaw po nating nakikita ang isang mukha ng tao kung saan siya ay nakaharap sa bandang kanan. 

Kung titingnan mo naman sa gitna ng lumang baryang ito, may nakaukit na mukha ng isang tao na nakaharap sa bandang kanan.

Kaninong mukha o sino ang taong nakaukit sa lumang barya na ito?

Atin po siyang makikilala dahil nakaukit naman po dito ang kanyang buong pangalan. Sya po ay walang iba kundi si Marcelo H. Del Pilar. Nakaukit po ito sa ibabang kanang bahagi ng naturang lumang barya na ito. Lahat po ng mga letrang ginamit ay naka Capital Letters din po ang mga ito. 

Sa ibabang kaliwang bahagi naman po ng lumang barya na ito ay nakaukit po ang numerong 50. Ang numerong ito ang siyang sumasagisag sa Face Value o halaga nito noong ginamit sa sirkulasyon. At sa pamamagitan po ng numerong ito, mas nagiging madali ang ating pagkilala sa halaga ng lumang barya na ito.

Atin lamang pong i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1972 na 50 Sentimos coin:

  • LIMANGPUNG SENTIMOS
  • 50
  • MARCELO H DEL PILAR
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa bandang kanan 

Reverse o Likurang Bahagi ng 50 Sentimos 1972

Ang larawan naman po sa ibaba ay ang Reverse o likurang bahagi ng isang 1972 50 Sentimos Coin. Tulad po sa kanyang harapang bahagi ay meron din pong mga nakaukit na letra sa gilid na bahagi nito. At ang mga letrang ito ay bumubuo sa salitang “REPUBLIKA NG PILIPINAS”. Lahat din po ng mga letrang ginamit ay mga Capital Letters. 
Sa gitnang bahagi naman po nito ay ang nakaka agaw pansin na isang naka ukit na simbolo. Ang simbolo po na ito ay ang lumang logo ng Bangko Sentral at tinatawag din po itong Coat of Arms of the Philippines

Sa simbolo na ito ay nakikita po natin sa kanyang gitna ang nakaukit na araw kung saan meron po itong mga sinag katulad ng araw sa ating watawat. Maliban po dito ay meron pong tatlong mga bituin sa itaas na bahagi nito. At sa ibabang bahagi nito, meron pong nakaukit na isang agila sa kilawa at isa naman pong leon sa kanan.

Sa pinaka ibabang bahagi naman po ng lumang barya na ito ay may naka ukit na isang taon. At ang nakaukit po na taong ito ay “1972”. Ang naturang taon po na ito ang nagsisilbing basehan kung kailan po unang nailabas para gamitin sa sirkulasyon ang lumang barya na ito.

Atin lamang pong i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating lumang baryang 1972 na 50 sentimos coin:

  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1972
  • Nakaukit na lumang selya ng Bangko Sentral

Mga Karagdagang Detalye

Material Composition

Batay po sa aking pananaliksik, ang 50 sentimos 1972 na lumang baryang ito ay gawa sa materyal na Nickel Brass. Kung hindi mo po alam, ang Nickel Brass ay tinatawag din po itong German Silver at ito po ay binubuo ng tatlong uri ng materyal. Una ay ang Copper Alloy. Pangalawa po ay ang Nickel. At ang pangatlo ay ang Zinc. Ang karaniwang Composition po nito ay 60 percent copper, 20 percent nickel, at 20 percent zinc.

Weight o Timbang

Ang timbang o bigat ng isang 50 Sentimos 1972 Coin ay nasa 8 grams o walong gramo. 

Size o Sukat

Pagdating naman sa kanyang mga sukat, meron itong “diameter” o dyametro nasa “27.5mm”.



Kapal o Thickness

At ang “thickness” o kapal naman po nito ay nasa “1.95mm”.


Price Value o Halaga

Ang pinakahuli at marahil ang nais mong gustong malaman ay kung magkano ang bentahan o value ng isang 50 Sentimos o Limangpung Sentimos na 1972 Philippine Old Coin.  

Una po sa lahat, dapat po nating malaman na ang halaga ng isang lumang barya ay meron po itong ilang mga pamantayan o basehan. Kaya kailangan po na dumaan ang isang lumang barya sa isang masusing pagsusuri bago po natin malaman ang tumpak o nararapat nitong halaga.

Para magkaroon po tayo ng ideya sa halaga ng isang 1972 50 Sentimos Philippine Old Coin, gamitin po nating halimbawa ang naturang barya sa mga larawang aking ipinakita.

Base po sa itsura nito ay medyo maayos naman po ang kanyang pagkakatago. Malinaw din naman po ang mga nakaukit na detalye sa harap at likurang bahagi nito. Wala naman po itong yupi at konti lamang ang kanyang mga gasgas. Kaya base po sa mga bagay na ito, ang aking sariling pananaw sa halaga nito ay nasa 50 pesos.

Pero base po sa aking pagsasaliksik, ang isa pong Uncirculated na 1972 50 Sentimos Philippine Old Coin ay umaabot sa halagang 250 pesos. Kapag tinawag pong uncirculated ang isang lumang barya, hindi po ito ginamit sa sirkulasyon kaya malinis at maayos ang kanyang itsura o kondisyon. Sa karaniwan ay mga kolektor po ang may hawak sa mga ganitong uri ng lumang barya.

Sa mga community groups naman po ay ito ang aking mga nakalap na presyohan sa lumang barya na ito:

UNC = 44.24 pesos

XF = 40.11 pesos

VF = 28.90 pesos

Pagdating po sa Value o halaga ng mga lumang barya, dapat po nating malaman na pabago-bago ang kanilang presyo. Kung minsan ay nasa mataas po itong halaga at kung minsan naman po ay napaka baba. Para sa Update o kasalukuyang presyo ng isang 50 sentimos 1972 na lumang barya, bisitahin lamang po ang aking YouTube Channel na Pinoy Coin Hunter.

Eto po ang isa sa aking mga ginawang bidyo tungkol sa isang 1972 na 50 sentimos coin.

2 komento: