Una sa lahat, kayo po ay aking binabati sa iyong pagbisita dito sa aking Pinoy Coin Hunter blog na ito.
Ngayon, ano nga ba ang ating pag uusapan dito sa blog na ito?
Sa pangalan o title po ng aking blog na ito (Pinoy Coin Hunter) ay atin pong masasagot ang naturang katanungan.
Sa pangalan o title po ng aking blog na ito (Pinoy Coin Hunter) ay atin pong masasagot ang naturang katanungan.
Ako po ay isang Pinoy o Pilipino kung saan ako po ay nangongolekta ng mga lumang barya.
Medyo matagal-tagal na rin po akong nag-umpisa sa aking pangongolekta ng mga lumang barya kaya marami na rin po akong nalalaman tungkol sa mga bagay na ito.
Ang aking mga nalalaman ukol sa mga lumang barya ang nais ko pong ibahagi sa aking blog na ito.
Pag-uusapan po natin dito ang bawat detalye ng mga lumang barya na nais mong malaman. Kikilatisin po nating mabuti ang mga ito para lubusan natin itong makilala.
Maliban po sa mga detalye ng mga lumang barya, pag-uusapan din po natin ang kanilang mga Value o halaga.
Sadyang marami po talaga sa atin ang gustong malaman kung magkano ang presyo ng kanilang hawak na mga lumang barya.
Sa pamamagitan po ng aking mga Posts ukol sa mga lumang barya na iyong hawak, pwede mo po itong gamitin bilang basehan sa kanilang presyo.
Bilang isang kolektor ng mga lumang barya, marami pong gustong magbenta sa akin ng kanilang mga lumang barya.
Ako naman po ay patuloy na bumibili ng mga lumang barya pero ang binibili ko lamang po ay ang aking mga kailangan o yung mga wala pa sa aking koleksyon. Maliban po dito ay kung ang presyo po nito ay pasok sa aking budyet.
Ngunit maliit lamang po talaga ang aking naitatabing pera na napupunta para sa aking mga koleksyon. Kaya sa kadalasan ay hindi ko po kayang bilhin ang alok ng mga bulk sellers.
Maliban po sa pagbili ng mga lumang barya, ako po ay bumili ng akong sariling Metal Detector.
Dahil kung wala po talaga akong pambili ng mga lumang barya, gagamitin ko po ang aking metal detector para maghanap ng mga nawawalang mga barya.
Ibabahagi ko na rin po dito sa aking blog na ito ang aking paghahanap ng mga lumang barya gamit ang aking metal detector.
Sa katunayan ay medyo marami-rami na rin po ang aking mga nahanap na mga lumang barya gamit ang aking metal detector. Ngunit ang karamihan sa mga ito ay kinakalawang o hindi na maayos ang kanilang itsura.
At ayan po ang lahat ng mga bagay na atin pong pag-uusapan sa aking blog na ito.
Kaya kung meron ka na rin pong hilig sa pangongolekta ng mga lumang barya, malugod po kitang inaanyayahan para maging isang reader o taga-basa sa nilalaman ng aking blog na ito.
Maliban po sa aking blog na ito, meron din po akong YouTube Channel. Pinoy Coin Hunter din po ang title o pangalan ng aking YouTube Channel na ito. At ito po ay inyong mapapanood dito sa ibaba.
paano ko ibebenta ang aking old coin
TumugonBurahinHanggang ngayon binibili nyo po ba yan.ksi marami po ako nyan
TumugonBurahinGUD EVE PO MERON PO AQ 50CENTIMOS 1972 DLAWANG PIRASO GUSTO KO N PO IBENTA.PAANO PO
TumugonBurahinMAGKANO PO ANG VALUE 1972 50CENTIMOS MAKINIS ANG COINS
TumugonBurahin