5 Piso 1975 Philippine Old Coin Value

Ang aking kapatid noon ay sumubok na mangolekta ng mga lumang barya. Estudyante pa lamang kami noon kaya ang natitira sa kanyang baon ay kanya itong iniipon para may pambili ng lumang barya. At sa kanyang pag-iipon, nagawa niyang mabili ang kanyang unang lumang barya sa koleksyon na isang 1975 na 5 Piso Philippine old coin.


Ngunit hindi nagtagal, nawala ang kanyang pagkahilig sa pangongolekta ng mga lumang barya. Kaya napag-isipan niyang ibigay na lamang sa aking ang kanyang nabiling 1975 na 5 Piso coin.


Atin na po itong kilalanin sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaukit po nitong mga detalye.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1975 na 5 Piso Coin


1975 5 Piso Coin


Eto po ang obverse o harapang bahagi ng aking 1975 na 5 Piso coin. Atin pong nakikita na malinaw po ang mga nakaukit na detalye sa kanyang harapang bahagi na ito.


Dito po sa kanyang gitna ay nakaukit po ang isang kalasag. Eto po ay isang lumang logo o sagisag ng bansang Pilipinas. Kaya atin din pong makikita ang sagisag na ito iba’t ibang mga lumang barya.


Nakapaloob po sa sagisag na ito ay isang araw na may mga sinag. Sa itaas na bahagi po nito ay tatlong mga bituin. Kaya ang disenyo po itong ay may pagkakahambing sa ating watawat.


Sa ibabang bahagi naman po nito ay may nakaukit na dalawang hayop. Ang nasa kaliwa ay isang agila at ang nasa kanan naman po nito ay isang mabangis na leon.


Sa ilalim naman po ng nakaukit na sagisag ay isang ribbon. At sa loob po ng ribbon na ito ay may nakaukit na detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS.


Ang gilid na bahagi naman po ng ating lumang barya na ito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at 5 PISO. Meron din pong dalawang bituin na nasa pagitan ng mga ito.


Ang buod sa mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1975 na 5 piso coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 5 PISO
  • Lumang logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas


Reverse o Likurang Bahagi ng 1975 na 5 Piso Coin


1975 5 Piso Coin Reverse


Eto naman po ang likurang bahagi ng 1975 na 5 Piso coin. Dito po sa kanyang saktong gitna ay may nakaukit na isang mukha ng tao at siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa. Sa ibabang bahagi po nito ay nakaukit ang detalyeng PANGULONG FERDINAND E. MARCOS. Ibig sabihin, ang nakaukit pong mukha sa lumang barya na ito ay ang dating pangulong Marcos.


Sa harapan at ibabang bahagi ng nakaukit na mukha ng dating pangulo ay nakaukit naman po ang petsa na SETYEMBRE 21, 1972.


Sa gilid naman po na bahagi ng ating lumang barya na ito ay nakaukit ang mga detalyeng ANG BAGONG LIPUNAN at ang taon na 1975.


Ang buod sa mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1975 na 5 piso coin:


  • ANG BAGONG LIPUNAN
  • SETYEMBRE 21, 1972
  • PANGULONG FERDINAND E. MARCOS
  • 1975
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa kaliwa


Mga Karagdagang Detalye ng 1975 na 5 Piso Coin


Material Composition


Ang aking 1975 na 5 Piso coin na ito ay isa po itong Franklin Mint (FM) kaya makintab po ito. Eto po ay gawa sa materyal na bagay na kung tawagin ay “nickel”.


Weight o Timbang


Ang timbang po nito ay nasa 22 grams.


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 36.5 mm.


Kapal o Thickness


Ang kapal naman po nito ay nasa 2.6 mm.


Price Value o Halaga ng 1975 na 5 Pesos


Tulad po ng aking ipinahayag, ang aking 5 Piso na 1975 coin na ito ay isa po itong Franklin Mint o gawa po ito sa ibang bansa. Ang mga Franklin Mint po na mga lumang barya ay sadyang maganda po talaga ang kanilang pagkakagawa kumpara sa gawa ng BSP.


Ang bilang po ng mga 1975 na 5 Piso coin Franklin Mint ay konti na lamang po. Dahil dito ay meron po itong mataas na value o halaga.


Ako po ay hindi eksperto sa pagsusuri ng mga lumang barya para tukuyin kung magkano ang tugmang value o halaga nito. Ang tamang pagsuri para tukuyin ang tugma na presyo ng isang lumang barya ay magagawa lamang po ng isang eksperto dahil sa meron po itong ilang mga batayan.


Ang akin pong paraan para tukuyin ang value o halaga ng isang lumang barya ay sa pamamagitan po ng pagtatanong sa mga community groups. Kaya ito po ang siyang aking ginawa at ito po ang aking mga nakalap sa presyuhan sa mga 1975 na 5 Piso coins:


BSP = 171.52 pesos


FM = 305.32 pesos


At ayan po mga ka-barya ang aking nakalap na presyo ng mga 1975 na 5 Piso coin base sa ating mga community groups. Mas mahal po talaga ang Franklin Mint na bersyon kumpara sa mga BSP Mint na bersyon. Maliban po dito, ang nakasaad pong presyo dito ay minimum price lamang po ang mga ito.


Kaya kung ang hawak mo pong 1975 na 5 Piso coin ay meron po talaga itong napakagandang kondisyon, ang magiging halaga po nito ay maaaring higit pa sa minimum price nito.


Dapat po nating malaman na hindi po fixed o stable ang presyuhan sa mga lumang barya. Ang mga presyo po nito ay patuloy po sa pagtaas o pagbaba dahil sa nakadepende po ito sa supply at demand. Kaya ang nakasaad po na presyo dito ay maaaring nagbago na po ito ngayon.


Dahil sa laging nagbabago ang presyuhan sa mga lumang barya, ako po ay gumawa ng aking YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako madalas magbigay ng price update sa ating mga lumang barya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento