Ang 1985 One Piso - Jose Rizal at Kalabaw Philipine Coin

Ang larawan dito sa ibaba ay isa pong halimbawa ng isang lumang baryang 1985 One Piso Philippine Old Coin. Mapapansin po natin dito sa kanyang gilid na bandang itaas ang mga nakaukit na letrang bumubuo sa mga salitang REPUBLIKA NG PILIPINAS. Sa pinaka dulo po nito ay nakasulat ang pangalan na JOSE RIZAL. Si Jose Rizal ang atin pong pambasang bayani at ang pinaka kilala sa lahat ng mga bayani sa ating kasaysayan.

Obverse o Harapang Bahagi ng 1985 One Piso Coin

Dito naman po sa saktong gitna ng naturang lumang barya na ito ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na mukha na nakaharap sa bandang kanan. Eto po ay ang mukha ng ating bayaning si Doktor Jose Rizal. At dito po sa pinababa ibabang gilid na bahagi ng naturang lumang barya na ito ay nakaukit naman po ang taon na 1985.

Isang karagdagang kaalam lamang po na may kinalaman sa taong ito. Ang naging presidente po ng Pilipinas sa taong ito ay si Ferdinand Marcos.

Ulitin lamang po natin ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan ng ating lumang isang pisong barya na ito:

  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1985
  • JOSE RIZAL
  • Nakaukit na mukha ng ating bayaning si Jose Rizal

Reverse o Likurang Bahagi ng 1985 One Piso Coin

Dito naman po tayo sa dakong likuran ng naturang lumang barya na ito. Atin pong nakikita dito sa kanyang saktong gitna ang isang nakaka agaw pansing na isang nakaukit na kalabaw. Dahil dito sa nakaukit na hayop na ito, marami sa atin ang tinawag itong PISONG KALABAW.  

Pero kung atin pong sasaliksikin ang tungkol sa nakaukit na hayop sa lumang barya na ito, dito po natin matutuklasan na ito po ay hindi isang kalabaw kundi ito po ay isang TAMARAW. Meron pong pagkakaiba ang hayop na tamaraw sa kalabaw. At ito po ay ang kanilang sungay at sukat sa laki nito.

Ang tamaraw po ay meron po itong mas maliit na sungay kumpara sa sungay ng kalabaw. Maliban po dito, ang kanilang sungay ay humahaba po ito sa pataas ng direksyon kahawig ng letrang V.

Dito naman po sa itaas at gilid na bahagi ng naturang lumang barya na ito ay meron pong nakaukit na isang 1 PISO. Eto po ang siyang nagsasaad sa Face Value o halaga nito noong ito ay ginamit sa sirkulasyon.

At dito po sa ibabang gilid na kaliwang bahagi ay nakaukit naman po ang silitang ANOA MINDORENSIS. Maaaring ikaw po ay nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng salitang ito at kung ito ay nakaukit sa ating lumang barya na ito.

Ayon po sa aking pagsasaliksik, akin pong napag-alaman na ang ibig pong sabihin ng Anoa Mindorensis ay isa po itong Scientific Name ng hayop ng tamaraw. Maliban po dito, ang naturang hayop na ito ay tinatawag din po itong Mindoro Dwarf Buffalo dahil ang uri nito ay matatagpuan lamang dito sa Pilipinas.

Ulitin lamang po natin ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating lumang isang pisong barya na ito:

  • 1 PISO
  • ANOA MINDORENSIS
  • Nakaukit na isang hayop o Mindoro dwarf buffalo

Mga Karagdagang Detalye ng 1985 One Piso Coin

Material Composition

Ang materyal pong ginamit sa pagbuo ng lumang baryang ito ay gawa sa “Copper” at “Nickel”

Nang akin pong suriin ito kung ito ba ay “magnetic” o hindi, aking napag alaman na hindi po sya magnetic.

Weight o Timbang 

Sa bigat o timbang naman po nito, ito ay nasa 9.5 grams.

Size o Sukat 

Pagdating naman sa mga sukat nito, meron itong diameter na “29 mm”.


Kapal o Thickness

At ang thickness naman po nito ay “1.9 mm”.


Price Value o Halaga

At ang pinakahuli at ang nais malaman ng karamihan ay ano nga ba ang value o halaga ng isang 1985 na 1 Piso Philippine old coin.

Ang akin nasa larawan po dito ay isa sa aking mga koleksyon ng 1985 na one peso coin. Eto po ay aking nabili sa isa rin pong kolektor at ito ay aking binayaran sa halagang 100 pesos. Ngunit base po sa aking pagsasaliksik, meron pong mga nagbebenta ng ganitong lumang barya sa mas mataas na halaga. At ang ganitong lumang barya na aking nakita na siyang may pinaka mataas na halaga ay nasa 500 pesos.

Nais ko pong sabihin sa lahat na ang halaga ng mga lumang barya ay meron po itong mga pamantayan bilang basehan. Kaya para masabi po natin ang nararapat na halaga ng isang lumang barya, ito po ay nangangailangan na dumaan sa isang masusing pagsusuri.

Pagdating po sa mga community groups, eto po ang aking mga nakalap ng presyohan sa one piso coin na may taong 1985:

UNC = 58.98 pesos

XF = 30.67 pesos

VF = 27.13 pesos

Ayan po ang value o halaga sa bentahan ng 1 Piso 1985 Philippine old coin sa mga community groups.

Nais ko lamang pong sabihin na ang presyo na ito ay maaaring magbago. Maaari po itong tumaas at maaari na rin po itong bumababa. Para kayo po ay magkaroon ng update sa kasalukuyang pagbabago sa halaga nito ay bisitahin lamang ang aking YouTube Channel na Pinoy Coin Hunter. Sapagkat dito po ay ako nagbibigay ng update sa pagbabago sa presyo o bentahan ng mga lumang barya.

Eto po ang isa sa mga bidyo na akin pong ginawa ukol sa isang pisong barya na may taong 1985.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento