Ang Aking Maitim na 1990 One Piso Coin

Sa akin pong paglilinis sa bakuran ng aking bahay, meron po aking natagpuan na isang lumang barya. Nababalutan po ito ng makapal na putik at wala po akong ideya kung anong lumang barya ito.

Nang akin po itong hinugasan at nilinis, dito po lumabas ang kanyang mga detalye na ito po ay isang 1990 na 1 Piso Philippine old coin.

Obverse o Harapang Bahagi ng 1990 One Piso Coin

Eto po ang harapan na bahagi ng 1990 one piso coin na akin pong natagpuan sa paglilinis ng aking bakuran. Maitim na po ito at marami na rin po itong mga gasgas. Base po sa aking sariling opinyon, sa tingin ko ay nasunog ito na siyang dahilan kung bakit ito ay umitim. Ayaw ko po munang linisin ito ng husto dahil baka mas lalo po itong masira at madagdagan ang mga gasgas nito.

Meron po akong isang post na tumatalakay na rin po tungkol sa isang pisong lumang barya na katulad nito. Ngunit ang kanilang pagkakaiba ay meron po itong taong na 1985. Sa madaling salita ay isa po itong 1985 na piso coin. Parehas lamang po sila ng pagkaka disenyo sa harap at likuran. Sadyang ang kanilang taon lamang ang siyang may pagkakaiba.

Maski marami pong mga gasgas at nangitim ang aking natagpuang isang pisong lumang barya na ito, malinaw at mababasa pa rin naman po natin ang mga nakaukit na detalye nito. Atin pong mapapasin sa saktong gitna ang nakaukit na mukha ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Sa gilid na bahagi po nito ay nakaukit ang  mga detalye na REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1990. Ang tanging nawala o hindi na po natin makikita sa naturang lumang barya na ito ay ang nakaukit na pangalan ng ating bayani. Ito po sana ay ating mababasa na nakaukit dito sa ibabang kanang bahagi nito.

Atin lamang pong bigyang buod ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1990 na piso coin:

  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1990
  • Nakaukit na mukha ni Doktor Jose Rizal na nakaharap sa bandang kanan

Reverse o Likurang Bahagi ng 1990 One Piso Coin

Eto naman po ang likurang bahagi ng lumang baryang aking natagpuan sa aking bakuran. Konti lamang po ang nangitim na bahagi nito na di tulad ng kanyang harapan na bahagi. Ngunit mas marami po itong mga gasgas at hindi na gaanong malinaw ang mga nakaukit na detalye nito.

Dito po sa kanyang gitnang bahagi ay mapapansin po natin ang isang nakaukit na hayop. Bilang isang Pilipino, kilala po natin ang ganitong uri ng hayop bilang isang kalabaw. Dahil po sa bagay na ito, ang lumang barya po na ito ay tinatawag ng karamihan na pisong kalabaw. Ngunit marami pong hindi nakaka alam na ang nakaukit na hayop sa lumang barya na ito ay hindi po talaga ito kalabaw kundi ito po ay isang tamaraw. Sa wikang Ingles, ito po ay tinatawag na Mindoro dwarf buffalo dahil ang mga hayop na ito ay atin pong matatagpuan sa isla ng Mindoro.

Ang mga detalye na nabura sa bahagi ng lumang barya na ito ay ang Face Value po nito na 1 PISO. Maliban po dito ay ang salitang ANOA MINDORENSIS kung saan ay ang scientific name ng hayop na tamaraw.

Atin lamang pong bigyan buod ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1990 na 1 piso coin:

  • 1 PISO
  • ANOA MINDORENSIS
  • Nakaukit na hayop na kung tawagin ay tamaraw o dwarf buffalo

Mga Karagdagang Detalye ng 1990 One Piso Coin

Material Composition

Ang ginamit pong materyales sa lumang barya na ito ay Copper-Nickel.

Weight o Timbang

Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 9.5 grams.

Diameter

Ang diameter po nito ay nasa 29 mm.

Kapal o Thickness

At ang kapal po nito ay nasa 1.63 mm.

Price Value o Halaga ng 1990 One Piso Coin

Sadyang marami po ang nagtatanong kung magkano ang value o halaga ng isang 1990 na one piso coin. Kaya sa tingin ko po ay marami po ang may hawak ng ganitong lumang barya.

Gusto ko pong sabihin na meron po tayong ilang mga batayan para bigyan ng tamang presyo ang isang lumang barya. At ang isa sa mga pamantayan na ito ay ang itsura o kondisyon nito.

Kaya pagdating po dito sa aking lumang barya na akin lamang pong napulot sa aking bakuran, sadyang mababa po ang halaga nito dahil sa hindi na po maganda ang kanyang kondisyon o itsura.

Base lamang po sa aking sariling pananaw, kung ito po ay aking ibebenta, ang halaga nito ay nasa mga 10 hanggang 20 pesos na lamang po.

Pagdating po sa mga community groups, ang presyohan po sa mga one piso coin na may taong 1990 ay ang sumusunod:

UNC = ? 

XF = 21.81 pesos

VF = 17.09 pesos

At ayan po ang aking mga nakalap na presyo sa bentahan ng mga 1 Piso 1990 Philippine old coin sa mga community groups.

Ang presyo po ng mga lumang barya ay hindi po ito stable. Ito po ay pabago-bago kung saan ay pwedeng pong tumaas sa mga susunod na buwan at pwede na rin po itong bumagsak. Kung gusto po ninyong subaybayan kung ano ang naging pagbabago sa bentahan ng iyong hawak na lumang barya, maaari po ninyo itong mapanood sa aking YouTube Channel na Pinoy Coin Hunter.

Eto po ang bidyong aking ginawa ukol dito sa aking maitim na isang pisong lumang barya na may taong 1990.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento