1972 25 Sentimos Philippine Old Coin Value o Halaga

Meron po tayong isang larawan dito ng lumang barya na siyang atin pong pag-uusapan kung saan ito po ay aking nabili sa iba. Ito po ay isang 1972 25 Sentimos Philippine old coin.

Base po sa itsura nito, mapapansin po natin na medyo maganda ang kondisyon nito. At ito po ang siyang dahilan kung bakit medyo may kamahalan ang kanyang halaga.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1972 25 Sentimos Coin



Ang atin pong nakikitang unang larawan dito ay ang harapan na bahagi ng isang 1972 25 Sentimos Philippine old coin. Dito po sa kanyang gitna ay ating pong makikita ang nakaukit na isang napakaganda at mala disenyong kalasag. Sa wikang Ingles ay mas kilala po ito sa tawag na “Shield of Arms”.

Sa gilid na bahagi naman po nito ay nakaukit ang mga detalye na binubuo ng mga salitang REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1972. Sadyang napakalinaw po ang pagkakaukit ng mga detalye na ito kung saan ay napakadali po ng mga itong mabasa.


Nais ko lamang pong ipagbigay alam na kapag ganito po ang kondisyon ng iyong hawak na lumang barya kung saan ay malinaw at madaling basahin ang mga nakaukit nitong detalye, marami pong mga kolektor ang magkaka interes na bilhin ito. Kaya alagaan po nating mabuti ang ating mga tinatagong lumang barya.


Muli lamang po nating balikan ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1972 na 25 sentimos coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1972
  • Lumang logo ng BSP


Reverse o Likurang Bahagi ng 1972 25 Sentimos Coin


Eto naman po ang larawan sa likurang bahagi ng ating lumang barya. Dito po sa kanyang gitna ay meron pong nakaukit na isang mukha ng tao at siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa. Ang nakaukit po dito ay mukha ng isang dakila at tanyag na pintor at siya po ay walang iba kundi si “Juan Luna”. Nakaukit po ang kanyang buong pangalan dito sa kaliwang bahagi malapit sa ibaba.

Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga detalyeng DALAWAMPU’T LIMANG SENTIMOS at numerong 25. Ang mga detalyeng ito ay ang siyang malinaw na nagpapahayag sa Face Value nito bilang isang barya sa sirkulasyon.


Muli lamang po nating balikan ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1972 na 25 sentimos coin:


  • DALAWAMPU'T LIMANG SENTIMOS
  • 25
  • JUAN LUNA
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharapa sa bandang kaliwa


Mga Karagdagang Detalye ng 1972 25 Sentimos Coin


Material Composition


Ang 1972 25 Sentimos Philippine old coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay “Copper-Nickel”.


Weight o Timbang


Pagdating naman po sa kanyang timbang, eto po ay nasa 4 grams.


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 21 mm.



Kapal o Thickness

Ang kanya pong kapal o thickness ay nasa 1.72 mm.




Price Value o Halaga ng 1972 25 Sentimos Coin


Marami po talaga sa atin ang may hawak ng ganitong uri ng lumang barya at ito ay nais nilang ibenta. Kaya hindi po natin maiwasan na may magtanong kung magkano ang value o halaga nito ngayon.


Ang pagtukoy sa value o halaga ng isang lumang barya ay meron po itong ilang mga batayan. At ang ilan lamang po sa mga batayan na ito ay tulad ng itsura o kondisyon nito.


Ang aking 1972 25 Sentimos coin na akin pong ipinakita bilang halimbawa ay medyo maayos po ang kanyang itsura. Sa katunayan ay isa din pong kolektor ang siyang dating may-ari nito kaya medyo maayos ang pagkakatago po nito.


Hindi ko na po ang babangitin kung magkano ko po nabili ang lumang barya na ito. Pero pagdating po sa mga community groups, ang presyuhan po sa mga 19725 25 Sentimos coin ay ang sumusunod:


UNC = 27.16 pesos


XF = 20.67 pesos


VF = ?


Ayan po mga ka-barya. Sadyang mas mahal po ang UNC na bersyon kumpara sa mga XF na bersyon.


Nais ko lamang pong sabihin na ang presyo po na aking isinaad dito ay base lamang po sa pinakahuli kong pagtatanong sa mga community groups. Ibig ko pong sabihin ay hindi po talaga Fixed o Stable ang presyo ng mga lumang barya. Ang mga ito ay sadya pong tumataas o bumabagsak.


Kung nais mo pong subaybayan ang mga pagbabago sa presyuhan ng mga lumang barya, meron po akong isang YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako nagbibigay ng mga impormasyon sa mga Updates sa presyo ng mga lumang barya.


Eto ang isa sa aking mga ginawang bidyo tungkol dito sa ating 1972 na 25 sentimos coin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento