Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 50 Sentimos Coin Series. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 50 Sentimos Coin Series. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Price Value o Halaga ng 1907 na 50 Centavos Philippine Old Coin

Meron po akong isang 1907 na 50 centavos coin at ito ay aking natagpuan na nakabaon sa ilalim ng lupa. Nagawa ko po itong matagpuan sa pamamagitan ng aking makabagong kagamitan na kung tawagin ay “metal detector”.


Ang napansin ko lamang po sa mga lumang barya tulad ng aking natagpuang 1907 na 50 centavos coin ay hindi po sila kinakalawang o hindi po sila madaling makalawang. Hindi po tulad ng ating mga bagong barya na napakadaling kalawangin. Ang mga ito ay nangingitim lamang pero madali lang naman po itong linisin.


Kaya pagdating po sa “metal detecting”, ang aking pakay po talaga ay ang makahanap ng mga lumang barya na kabilang sa tinatawag po nilang “US Administration Coins”. Sapagkat ang mga lumang barya na gawa po sa administrasyon na ito ay maganda ang kanilang kalidad. Kaya ito na rin po ang dahilan kung bakit meron po silang mataas na halaga.


Atin na pong kilalanin ang lumang baryang 1907 na 50 centavos coin sa pamamagitan ng pagsusuri sa nakaukit nitong mga detalye.


Obverse o Harapan na bahagi ng 1907 na 50 Centavos Coin


1907 50 Centavos
Dito po sa obverse o harapan na bahagi ng ating 1907 na 50 centavos coin ay meron po tayong nakikitang napakagandang nakaukit disenyo dito sa kanyang gitnang bahagi. Atin pong nakikita dito ang isang nakaukit na agila na bukas ang kanyang mga pakpak. At ang agila po na ito ay nakatayo sa ibabaw ng isang malaking kalasag.


Sa gilid po nito ay nakaukit naman ang salitang UNITED STATES OF AMERICA na siyang nagpapahayag na ang lumang barya na ito ay kabilang po ito sa US Administration Coins. At sa gilid na ilalim naman po nito ay nakaukit ang taon na 1907.


Ano po ba ang isang kaganapan na dito sa Pilipinas na nangyari noong 1907?


Noong taong 1907, ang Pilipinas ay nasa pamamalakad ng mga Amerikano. At sa taon po na ito ay dito naganap ang kauna-unahang eleksyon o halalan para sa bagong “Representative Body”.


Eto pong mula ang mga nakaukit na detalye dito sa obverse o harapan ng bahagi ng ating lumang baryang 1907 na 50 centavos coin:


  • Nakaukit na agila na nakatayo sa ibabaw ng isang kalasag

  • UNITED STATES OF AMERICA

  • 1907


Reverse o Likurang Bahagi ng 1907 na 50 Centavos Coin


Eto naman po ang likurang bahagi ng 1907 na 50 centavos coin. Dito po sa kanyang gitnang bahagi ay meron po tayong nakikitang isang nakaukit na babae. Siya po ay nakatago, may mahabang kasuotan, mahabang buhok, at meron po siyang hawak na martilyo sa kanyang kanang kamay.


Meron pong mga nagsasabi na ang babae na nakaukit sa lumang barya na ito ay isa po siyang Pilipina.


Sa likuran naman po ng nakatagong babae ang meron po tayong nakikita na isang umuusok na bulkan. Eto po ang isang umuusok na bulkan dahil ito ay naglalarawan sa kilalang bulkan na matatagpuan dito sa ating bansa. Ang bulkan po na ito ay walang iba kundi ang bulkang Mayon.


Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga salitang FIFTY CENTAVOS at FILIPINAS. Ang mga detalyeng ang siyang nagpapahayag sa face-value po nito o halaga ng lumang barya na ito noong ginamit sa sirkulasyon.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa reverse side o likurang bahagi ng ating 1907 na 50 centavos coin:


  • Nakatayong babae

  • Umuusok na bulkan

  • FIFTY CENTAVOS

  • FILIPINAS


Mga Karagdagang Detalye ng 1907 na 50 Centavos Coin


Material Composition


Ang 1907 na 50 centavos coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay “silver” (0.750)


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat po nito ay nasa 10 grams


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 27.5 mm


Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa


Price Value o Halaga ng 1907 na 50 Centavos Coin


Ang 1907 na 50 centavos coin ay isang napaka lumang barya kung saan ay ilan lamang po ang may hawak sa mga ito. Ngunit hindi ko po inaasahan na marami po sa kanila ang gustong ibenta ang kanilang hawak na ganitong napaka lumang barya. Kaya naman ay marami ang nagtatanong kung magkano ang bentahan nito ngayon.


Pero bago ko po banggitin ang value o halaga ng isang 1907 na 50 centavos coin, nais ko pong linawin na ang bentahan sa mga lumang barya ang pabago-bago. Sapagkat ang presyuhan sa mga lumang barya ay nakadepende po ito sa “supply and demand” ng mga buyers at sellers. Maliban po dito ay ang kondisyon ng lumang barya.


Ang akin pong paraan para tukuyin ang presyo ng isang lumang barya ay sa pamamagitan po ng pagtatanong sa iba’t ibang mga “community groups”. At sa aking pong pagtatanong, ang aking nakalap na presyuhan sa 1907 na 50 centavos coin ay nasa 487.47 pesos.


Meron pong dalawang uri ang 1907 na 50 centavos coin. Ang isa ay wala po siyang mint mark at ito po ang siyang nagkakahalaga ng 487.47 pesos. Pero ang pangalawang uri po nito ay meron po siyang mint mark at mas mataas po ang halaga nito kumpara sa walang mint mark. Eto po ay nagkakahalaga ng 704.54 pesos.


Nais ko pong linawin na ang mga presyo po dito ng 1907 na 50 centavos coin ay “minimum price” lamang po ito. Ibig pong sabihin ay dito po nag-uumpisa ang presyuhan sa pagitan ng buyer at seller.


50 Sentimos 1967 Philippine Old Coin at ang Value Nito

Meron ka bang karanasan kung saan ay meron kang inilagay na pera sa isang taguan at ang mga ito ay tuluyan mo nang nakalimutan? Eto po ang siyang nangyari sa aking 50 Sentimos 1967 na Philippine old coin. Tinago po ito ng aking ama sa kanyang maleta at nakalimutan po niya ito ng matagal na panahon.

Nadiskubre lamang po ito ng aking nanay nang naisipan niyang buksan ang lumang maleta ng aking ama para linisin ito. At dito po niya natuklasan ang maraming mga lumang barya na tinago ng aking ama.


Kinuha ko po ang mga lumang barya paging ihalo sa aking mga koleksyon at ang isa sa mga ito ay ang 50 Sentimos coin na ating pong pag-uusapan dito. Atin po itong kilalanin sa pamamagitan ng pagsuri at pagkilatis sa mga nakaukit nitong mga detalye.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1967 50 Sentimos Coin


50 Sentimos 1967 Obverse


Ang atin pong nakikitang larawan ay ang harapan na bahagi ng aking 50 sentimos coin. Medyo maganda po ang kondisyon nito dahil malinaw po nating nababasa o nakikita ang mga nakaukit nitong detalye. Meron lamang po itong konting mga gasgas dahil sa isa po itong “common coins” o ginamit sa sirkulasyon.


Dito po sa kanyang gitna ay nakaukit po ang isang selyo. Eto po ay ang lumang selyo ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas. At ito po ay atin din pong makikita sa iba’t ibang mga lumang barya.


Sa loob po ng selyo na ito ay may nakaukit po na isang araw na may mga sinag. At sa itaas po nito ay may tatlong mga bituin. Ang mga simbolong pong ito ay may pagkakahawig sa ating watawat. Sa ibabang bahagi naman po nito ay may dalawang nakaukit na hayop. Ang nasa kanan po ay isang mabangis na hayop na kung tawagin ay leon. At sa kaliwang bahagi naman po nito ay isang agila na nakabuka ang kanyang pakpak.


Sa ibaba ng selyo ay meron pong nakaukit na isang ribbon. Meron pong nakaukit na mga detalye sa loob nito pero hindi po gaanong malinaw. Ang nakaukit po dito ay REPUBLIKA NG PILIPINAS.


Dito naman po sa gilid ng ating lumang barya na ito ay muling nakaukit ang detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS. Maliban dito ay ang taon na 1967.


Ulitin lamang po natin ang mga nakaukit na detalye sa harapang bahagi ng ating 1967 na 50 sentimos coin na ito:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1967
  • Lumang logo ng BSP


Reverse o Likurang Bahagi ng 1967 50 Sentimos Coin


50 Sentimos 1967 Reverse


Kung atin pong baliktarin ang ating 1967 na 50 sentimos coin ay ganito po ang mga detalye nito na atin pong makikita. Dito po sa kanyang gitna ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na mukha ng tao kung saan siya po ay nakaharap sa bandang kanan.


Ang kanyang pangalan ay nakaukit po dito sa ibaba na kanang bahagi ng ating lumang barya. Nakaukit po dito ang pangalang MARCELO H. DEL PILAR. Para po sa mga hindi nakakakilala sa kanya, tulad po ni Jose Rizal, siya po ay isa na rin pong tanyag na manunulat.


Sa gilid po na bahagi ng ating lumang barya na ito ay nakaukit naman po ang mga detalyeng LIMANGPUNG SENTIMOS at numerong 50.


Ang pag-uulit sa mga nakaukit na detalye sa likurang bahagi ng ating 1967 na 50 sentimos coin:


  • LIMANGPUNG SENTIMOS
  • 50
  • MARCELO H DEL PILAR
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa bandang kanan


Mga Karagdagang Detalye ng 1967 na 50 Sentimos Coin


Material Composition


Ang 1967 na 50 sentimos coin ay gawa po ito sa material na “copper-zinc-nickel”.


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 8 grams.


Diameter


Ang sukat naman po sa diametro nito ay nasa 27 mm.


Kapal o Thickness


At ang kapal po nito ay nasa 1.95 mm.


50 Sentimos Reeded Side


Price Value o Halaga ng 1967 na 50 Sentimos Coin


Pagdating po sa presyuhan ng mga lumang barya, ang isang unang bagay na dapat po nating alamin ay kung isa po ba itong common coins, rare coins, o error coins. Ang aking 1967 na 50 sentimos coin dito ay isa po itong common coins. Ibig pong sabihin ay marami po ay may hawak ng ganitong lumang barya.


Kapag marami po ang may hawak sa isang lumang barya, mataas po ang supply nito o marami ang nagbebenta po nito. At dahil sa sitwasyon na ito, bagsak po ang value o halaga nito.


Bago po natin alamin ang bentahan sa 1967 na 50 sentimos coin, nais ko lamang pong ipagbigay alam na meron po tayong ilang mga batayan bilang basehan para matukoy ang tugma po nitong presyo. At ang tanging makakagawa sa bagay na ito ay mga eksperto ng mga lumang barya. 


Ako po ay hindi eksperto pagdating sa pagsusuri ng mga lumang barya para tukuyin ang tamang presyo nito. Ang akin pong ginagawa ay ang pagtatanong lamang sa mga community groups. At sa akin pong pagtatanong ukol sa ating 1967 na 50 sentimos coin, ito po ang aking mga nakalap na presyo:


UNC = 53.73 pesos


XF = 38.29 pesos


VF = 34.76 pesos


At ayan po mga ka-barya ang aking nakalap na presyuhan sa 1967 na 50 sentimos coin. Meron po tayong tatlong mga bersyon nito. At sa tatlong mga bersyon po nito, ang UNC ang siyang may pinakamataas ng value o halaga.


Ang aking isinasaad po na presyo dito ay minimum price lamang po ang mga ito. Dito po maaaring mag-umpisa ang usapan sa presyo ng lumang barya ang buyer at seller. Gaya po ng aking sinabi kanina, meron po tayong ibang mga batayan na siyang maaaring makaapekto sa pagtaas o pagbaba sa presyo nito.


Ang isa pang bagay na naman po nating malaman sa presyo ng mga lumang barya ay hindi po ito stable. Nagbabago po ang presyo ng mga ito kung saan ay pwedeng bumaba sa susunod na buwan o pwede na rin po itong tumaas.


Dahil dito, ako po ay gumawa ng ating YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako nagpapahayag ng price updates sa lahat ng ating mga lumang barya.

1990 50 Sentimo Philippine Old Coin Price Value

Meron po akong isang lumang barya o Philippine old coin na siyang atin pong pag-uusapan sa post na ito. At ito po ay walang iba kundi ang aking 1990 na 50 sentimo Philippine old coin.

Ang 50 sentimos coin na ito ay matagal na tinago ng aking ama sa kanyang maleta. Matagal po niyang nakalimutan na meron siyang nilagay na mga barya noon dito. Kaya nang binuksan ito ng aking ina, dito niya natagpuan ang mga lumang barya. At isa lamang sa mga lumang barya ang 50 sentimos coin na ito.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1990 50 Sentimos Coin



Sa larawan na ito ay atin pong nakikita ang aktwal na harapang bahagi ng aking 1990 50 sentimos coin. Sa gitnang bahagi po nito ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na mukha ng tao kung saan ay kapansin-pansin ang kanyang bigote. Maliban po dito, siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa.


Ang nakaukit pong mukha sa lumang barya na ito ay walang iba kundi si “Marcelo H. del Pilar”. Nakaukit po ang kanyang pangalang ito dito sa kaliwang ibabang bahagi na siyang nagpapakilala sa kung sino po siya. Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1990.


Muli lamang po nating i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1990 na 50 sentimo coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1990
  • MARCELO H DEL PILAR
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa bandang kaliwa


Reverse o Likurang Bahagi ng 1990 50 Sentimo Coin



Eto naman po ang larawan o ang itsura po nito sa kanyang likuran. Nakikita naman po natin dito ang isang disenyo ng isang malaking ibon. Sadyang napakalaki po ng ibon na ito dahil isa po itong agila. Mas kilala po ito sa tawag na “Philippine Eagle” o “Monkey-Eating Eagle”.


Konting kaalaman lamang po mga ka-barya ukol sa mga Philippine eagles. Ang mga monkey-eating eagles po dito sa atin bansa ay nabibilang na po sa “endangered species”. Ibig pong sabihin ay malapit na po silang maubos o iilan na lamang ang natitira sa kanila. Dahil dito ay kailangan po natin silang pangalagaan ng mabuti.


Dito po sa ibabang bahagi malapit sa kaliwa ay may nakaukit po na dalawang salita. Eto po ay ang mga salitang PITHECOPHAGA JEFFERI. Ang mga salitang ito ay ang scientific name o biological name ng Philippine eagle.


Sa bandang kanang gilid naman po ay nakaukit ang 50 SENTIMO. Eto po ang face-value ng lumang barya na ito noon pong ginamit sa sirkulasyon.


Muli lamang po nating i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1990 na 50 sentimo coin:


  • 50 SENTIMO
  • PITHECOPHAGA JEFFERI
  • Nakaukit na agila


Mga Karagdagang Detalye ng 1990 50 Sentimo Coin


Material Composition


Ang mga 1990 na 50 sentimos coin ay gawa po ito sa materyal na “copper-nickel”.


Weight o Timbang


Ang timbang po nito ay nasa 6 grams.


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 25 mm.


Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 1.62 mm.


Price Value o Halaga ng 1990 50 Sentimo Coin


Ang mga 1990 na 50 sentimos coin ay nabibilang po ito sa kategoryang “common coins”. Kapag ang isang barya ay tinawag po itong common coins, ito po yung mga uri ng barya na ginamit o ginagamit po natin sa sirkulasyon. At kung ito po ay ginamit o ginagamit natin sa sirkulasyon, marami po ang bilang ng mga ito.


Sadyang marami po ang may hawak ng 1990 na 50 sentimos coin at marami na rin po ang gustong ibenta ito. Kaya ang gustong itanong po ng karamihan sa atin dito ay kung magkano po ba ang value o bentahan sa lumang barya na ito?


Bago po natin alamin ang presyuhan sa isang 1990 na 50 sentimos coin, nais ko lamang pong sabihin na ang presyuhan sa lahat ng mga lumang barya ay meron po itong ilang mga batayan. At ang mga batayang ito ay tanging mga eksperto lamang sa mga lumang barya ang siyang nakakaalam. Kaya kung nais mo pong malaman kung ano talaga ang value o halaga ng iyong hawak na lumang barya, mas makakabuti kung ipasuri mo ito sa isang eksperto ng mga lumang barya.


Ako po ay nagsagawa ng aking pagtatanong sa mga community groups ukol sa presyuhan ng isang 1990 na 50 sentimos coin at ang mga sumusunod ang aking mga nakalap na halaga nito:


UNC = ?


XF = 64.24 pesos


VF = 72.49 pesos


Yan po ang aking mga nakalap na presyuhan sa mga 1990 na 50 sentimos coin. Minimum price lamang po ito kung saan ang kondisyon ng iyong hawak na barya ay maaaring makaapekto para ito ay magkaroon ng mas mataas na halaga o mas mababang presyo.


Maliban po dito, ang aking isinasaad na presyo dito ay nakabatay po ito sa oras o petsa noong ako ay nagsagawa ng pagtatanong sa mga community groups. Ibig pong sabihin ay maaaring nagkaroon na po na pagbabago sa presyo nito.


Meron po pala akong isang YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Ginawa ko po ang aking vlog na ito para magbigay ng price update sa lahat ng mga lumang barya.

Ang 50 Limangpung Sentimos 1972 Coin Value o Halaga

Dito po sa ibaba ay meron po tayong isang litrato o larawan ng lumang barya na “50 Sentimos 1972 Philippine Old Coin”. Mapapansin po natin sa kanyang gilid na bahagi ne meron po itong mga nakaukit na mga letra. At kung babasahin po natin ito, binubuo nito ang salitang“LIMANGPUNG SENTIMOS”. Lahat po ng mga letra na bumubuo sa salitang ito ay naka “Capital Letters” po ang mga ito.

Obverse o Harapang Bahagi ng 50 Sentimos 1972

Dito naman po sa gitnang bahagi ng lumang barya na ito, malinaw po nating nakikita ang isang mukha ng tao kung saan siya ay nakaharap sa bandang kanan. 

Kung titingnan mo naman sa gitna ng lumang baryang ito, may nakaukit na mukha ng isang tao na nakaharap sa bandang kanan.

Kaninong mukha o sino ang taong nakaukit sa lumang barya na ito?

Atin po siyang makikilala dahil nakaukit naman po dito ang kanyang buong pangalan. Sya po ay walang iba kundi si Marcelo H. Del Pilar. Nakaukit po ito sa ibabang kanang bahagi ng naturang lumang barya na ito. Lahat po ng mga letrang ginamit ay naka Capital Letters din po ang mga ito. 

Sa ibabang kaliwang bahagi naman po ng lumang barya na ito ay nakaukit po ang numerong 50. Ang numerong ito ang siyang sumasagisag sa Face Value o halaga nito noong ginamit sa sirkulasyon. At sa pamamagitan po ng numerong ito, mas nagiging madali ang ating pagkilala sa halaga ng lumang barya na ito.

Atin lamang pong i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1972 na 50 Sentimos coin:

  • LIMANGPUNG SENTIMOS
  • 50
  • MARCELO H DEL PILAR
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa bandang kanan 

Reverse o Likurang Bahagi ng 50 Sentimos 1972

Ang larawan naman po sa ibaba ay ang Reverse o likurang bahagi ng isang 1972 50 Sentimos Coin. Tulad po sa kanyang harapang bahagi ay meron din pong mga nakaukit na letra sa gilid na bahagi nito. At ang mga letrang ito ay bumubuo sa salitang “REPUBLIKA NG PILIPINAS”. Lahat din po ng mga letrang ginamit ay mga Capital Letters. 
Sa gitnang bahagi naman po nito ay ang nakaka agaw pansin na isang naka ukit na simbolo. Ang simbolo po na ito ay ang lumang logo ng Bangko Sentral at tinatawag din po itong Coat of Arms of the Philippines

Sa simbolo na ito ay nakikita po natin sa kanyang gitna ang nakaukit na araw kung saan meron po itong mga sinag katulad ng araw sa ating watawat. Maliban po dito ay meron pong tatlong mga bituin sa itaas na bahagi nito. At sa ibabang bahagi nito, meron pong nakaukit na isang agila sa kilawa at isa naman pong leon sa kanan.

Sa pinaka ibabang bahagi naman po ng lumang barya na ito ay may naka ukit na isang taon. At ang nakaukit po na taong ito ay “1972”. Ang naturang taon po na ito ang nagsisilbing basehan kung kailan po unang nailabas para gamitin sa sirkulasyon ang lumang barya na ito.

Atin lamang pong i-summarize ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating lumang baryang 1972 na 50 sentimos coin:

  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 1972
  • Nakaukit na lumang selya ng Bangko Sentral

Mga Karagdagang Detalye

Material Composition

Batay po sa aking pananaliksik, ang 50 sentimos 1972 na lumang baryang ito ay gawa sa materyal na Nickel Brass. Kung hindi mo po alam, ang Nickel Brass ay tinatawag din po itong German Silver at ito po ay binubuo ng tatlong uri ng materyal. Una ay ang Copper Alloy. Pangalawa po ay ang Nickel. At ang pangatlo ay ang Zinc. Ang karaniwang Composition po nito ay 60 percent copper, 20 percent nickel, at 20 percent zinc.

Weight o Timbang

Ang timbang o bigat ng isang 50 Sentimos 1972 Coin ay nasa 8 grams o walong gramo. 

Size o Sukat

Pagdating naman sa kanyang mga sukat, meron itong “diameter” o dyametro nasa “27.5mm”.



Kapal o Thickness

At ang “thickness” o kapal naman po nito ay nasa “1.95mm”.


Price Value o Halaga

Ang pinakahuli at marahil ang nais mong gustong malaman ay kung magkano ang bentahan o value ng isang 50 Sentimos o Limangpung Sentimos na 1972 Philippine Old Coin.  

Una po sa lahat, dapat po nating malaman na ang halaga ng isang lumang barya ay meron po itong ilang mga pamantayan o basehan. Kaya kailangan po na dumaan ang isang lumang barya sa isang masusing pagsusuri bago po natin malaman ang tumpak o nararapat nitong halaga.

Para magkaroon po tayo ng ideya sa halaga ng isang 1972 50 Sentimos Philippine Old Coin, gamitin po nating halimbawa ang naturang barya sa mga larawang aking ipinakita.

Base po sa itsura nito ay medyo maayos naman po ang kanyang pagkakatago. Malinaw din naman po ang mga nakaukit na detalye sa harap at likurang bahagi nito. Wala naman po itong yupi at konti lamang ang kanyang mga gasgas. Kaya base po sa mga bagay na ito, ang aking sariling pananaw sa halaga nito ay nasa 50 pesos.

Pero base po sa aking pagsasaliksik, ang isa pong Uncirculated na 1972 50 Sentimos Philippine Old Coin ay umaabot sa halagang 250 pesos. Kapag tinawag pong uncirculated ang isang lumang barya, hindi po ito ginamit sa sirkulasyon kaya malinis at maayos ang kanyang itsura o kondisyon. Sa karaniwan ay mga kolektor po ang may hawak sa mga ganitong uri ng lumang barya.

Sa mga community groups naman po ay ito ang aking mga nakalap na presyohan sa lumang barya na ito:

UNC = 44.24 pesos

XF = 40.11 pesos

VF = 28.90 pesos

Pagdating po sa Value o halaga ng mga lumang barya, dapat po nating malaman na pabago-bago ang kanilang presyo. Kung minsan ay nasa mataas po itong halaga at kung minsan naman po ay napaka baba. Para sa Update o kasalukuyang presyo ng isang 50 sentimos 1972 na lumang barya, bisitahin lamang po ang aking YouTube Channel na Pinoy Coin Hunter.

Eto po ang isa sa aking mga ginawang bidyo tungkol sa isang 1972 na 50 sentimos coin.