25 Sentimo 1985 Philippine Old Coin Value

Napulot ko lamang po ang aking 1985 na 25 Sentimo coin na ito. Habang ako po ay naglalakad sa daan, nakita ko po ito at ako ay nag-aalangan kung pupulutin ko po ito o hindi. Sapagkat marami na rin po akong mga taong kasabay sa panahon na iyon.

Dahil sa gusto ko po talagang pulutin ito, pinilit ko po ang aking sarili at nagawa ko po itong pulutin gamit ang aking mga kamay. May mga taong na-patingin sa akin pero mabuti na lamang at wala sa kanila ang nagtangkang pumuna sa akin.


At nang ito ay nasa aking kamay, dito ko nalaman na ito ay isang 1985 na 25 Sentimo Philippine old coin. Medyo marami na po itong mga gasgas at medyo kupas na ang mga nakaukit nitong mga detalye.


Kilalanin po natin ang lumang barya na ito sa pamamagitan ng pagsuri sa mga detalyeng nakaukit sa magkabilang bahagi nito.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1985 na 25 Sentimo Coin



Umpisahan po natin ang pagkilala sa 1985 na 25 Sentimo coin na ito dito sa kanyang obverse o harapan na bahagi. Dito po sa kanyang gitna ay meron po tayong mapapansin na isang nakaukit na mukha ng tao. At siya po ay nakaharap sa bandang kanan.


Atin po siyang makikilala dahil nakaukit naman po dito sa baryang ito ang kanyang buong pangalan. Nakaukit po dito ang kanyang pangalang JUAN LUNA. Siya po ay si Juan Luna kung saan siya ay kilala bilang tanyag na pintor dito sa ating bansa.


Dito po gilid na bahagi ng ating lumang barya na ito ay nakaukit naman po ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1985.


Muli po nating i-buod ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1985 na 25 sentimo coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • JUAN LUNA
  • 1985
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa kanan


Reverse o Likurang Bahagi ng 1985 na 25 Sentimo Coin



Atin pong baliktarin ang ating lumang barya at eto po naman ang mga nakaukit na detalyeng atin pong makikita. Dito po sa kanyang saktong gitna ay may nakaukit na isang napakagandang insekto. Isa po itong uri ng paro-paro na madalas po nating makita sa ating kapaligiran.


Dito po sa kanyang ibaba ay atin pong mababasa ang nakaukit na dalawang salita. Ang dalawang salita po na ito ay GRAPHIUM IDAEOIDES. Ang salita po na ito ay ang scientific name o ang biological name ng paro-parong nakaukit sa lumang barya na ito.


Muli po nating i-buod ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1985 na 25 sentimo coin:


  • Nakaukit na paro-paro
  • 25 SENTIMO
  • GRAPHIUM IDAEOIDES


Mga Karagdagang Detalye ng 1985 na 25 Sentimo Coin


Material Composition


Ang mga 1985 na 25 Sentimo coin ay gawa po ang mga ito sa materyal na bagay na kung tawagin ay “brass”. Ang brass ay mas karaniwan po itong ginagamit sa mga “electrical plugs” at “sockets”.


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 3.9 grams.


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 25 millimeter.



Kapal o Thickness


At ang kapal naman po nito ay nasa 1.68 millimeter.



Price Value o Halaga ng 1985 na 25 Sentimo Coin


Ang mga 1985 na 25 Sentimo coin ay “common coins” po ang mga ito. Sa katunayan ay naabutan ko po ang lumang barya na ito kung saan ay amin pong ginamit sa sirkulasyon. At dahil sa isa po itong common coins o karaniwang uri ng barya, marami po ang may hawak nito. Maging ako ay meron din po akong ilang mga piraso nito sa aking tinatagong mga koleksyon.


Dahil sa marami po ang may hawak ng 1985 na 25 Sentimo coin, madali lamang pong makahanap ng taong gustong magbenta ng ganitong lumang barya. Kaya ang tanong ng karamihan ay kung magkano nga ba ang value o halaga ng isang 1985 na 25 Sentimo coin?


Hindi po ako isang eksperto sa pagsusuri ng mga lumang barya at sasabihin kung ano ang tugma nitong halaga. Ang tamang pag-presyo sa isang lumang barya ay kailangan pong dumaan sa maingat na pagsusuri ng isang eksperto. At ito po ay may ilang mga batayan.


Ngunit pagdating po sa akin, ang aking ibabagi na presyo dito ay batay po sa aking pagtatanong sa mga community groups. At base po sa king pagtatanong sa mga community groups ukol sa presyuhan ng 1985 na 25 Sentimos coin, eto po ang mga sumusunod na presyo na akin pong nakalap:


UNC =?


XF = 21.12 pesos


VF = 14.15 pesos


At ayan po mga ka-barya ang aking mga nakalap na presyo ng mga 1985 na 25 Sentimo coin. Ang presyo po na ito ay ang “starting price” po nito kung saan mag-uumpisang mag-usap ang buyer at seller. Kaya kung ang lumang barya na gusto mo pong ibenta ay meron po itong napakagandang kondisyon, tiyak at asahan mo na mas mataas ang magiging presyo po nito kumpara sa nakasaad dito.


Dapat din po nating malaman na ang presyo ng mga lumang barya ay nagbabago po ang mga ito. Hindi po ito fix o stable. Kaya ang aking isinaad na presyo po dito ay maaaring nagbago na po ito ngayon.


Dahil sa pabago-bagong presyuhan ng mga lumang barya, aking naisip na ako ay gumawa ng aking YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako madalas maglabas ng mga impormasyon ukol sa price update ng ating mga lumang barya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento