1 Peso 1974 Philippine Coin Value

Meron po tayong mga larawan dito ng aking 1974 na 1 Piso Philippine old coin. Isa po itong lumang barya na mula pa sa aking lolo. Marami pong ganitong lumang barya ang aking lolo na kanyang tinatago at mabuti na lamang at nagawa kong makahingi ng isang piraso.

Atin pong kilalanin ang 1974 na 1 Piso Philippine old cold sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nakaukit na kanyang mga detalye.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1974 na 1 Piso Coin



Eto po ang harapang bahagi ng 1974 na 1 Piso coin. Dito po sa kanyang gitnang bahagi ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na kalasag. Isa po itong napaka karaniwang uri ng simbolo na atin din pong makikita sa iba’t ibang mga lumang barya.


Sa loob po ng kalasag ay may nakaukit na simbolo ng isang bilog na araw na may mga sinag. Sa itaas na bahagi po nito ay may tatlong mga bituin. At sa ibabang bahagi naman po nito ay may nakaukit na dalawang hayop. Ang nasa kaliwa ay isang agila at ang nasa kanan naman po ay isang leon.


Sa ibaba ng kalasag ay meron pong isang ribbon. At sa loob ng ribbon na ito ay nakaukit ang mga salitang REPUBLIKA NG PILIPINAS.


Dito naman po sa kanyang gilid na bahagi ng ating lumang barya na ito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1974, at BANGKO SENTRAL.


Muli lamang po nating alamin ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1974 na 1 piso coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • BANGKO SENTRAL
  • 1974
  • Lumang logo ng BSP


Reverse o Likurang Bahagi ng 1974 na 1 Piso Coin



Eto naman po ang likurang bahagi ng 1974 na 1 Piso coin. Mukhang malinis po ito dahil sa kaunti lamang po ang ating nakikitang nakaukit na mga detalye dito.


Dito po sa kanyang gitnang bahagi ay atin pong nakikita ang isang nakaukit na mukha ng tao kung saan siya po ay nakaharap sa bandang kaliwa. Siya po ay ating makikilala dahil sa nakaukit naman po dito sa ibaba ang kanyang pangalan. Nakaukit po dito ang kanyang pangalang JOSE RIZAL.


Sa kanang gilid naman po nito ay nakaukit ang numerong 1 at sa itaas naman po nito ay nakaukit ang PISO. Ito po ang siyang sumasagisag sa face-value nito noong ito ay ginamit sa sirkulasyon.


Muli lamang po nating alamin ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1974 na 1 piso coin:


  • 1 PISO
  • JOSE RIZAL
  • Nakaukit na mukha ng tao na nakaharap sa bandang kaliwa


Mga Karagdagang Detalye ng 1974 na 1 Piso Coin


Material Composition


Ang mga 1974 na 1 Piso coin ay gawa po ang mga ito sa materyal o bagay na kung tawagin ay “nickel brass”.


Weight o Timbang


Ang bigat o timbang po nito ay nasa 14.28 grams.


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 33 mm.



Kapal o Thickness


Pagdating naman po sa kung gaanong kakapal ito, eto po ay nasa mga 2.17 mm.



Price Value o Halaga ng 1974 1 Piso Coin


Ang mga 1974 na 1 Piso coin ay nabibilang po ito sa kategoryang “common coins”. Kapag sinabi po nating common coins, ito po ay mga uri ng barya kung saan ay marami po itong bilang. At dahil sa marami po ito, marami din po ang may hawak nito.


Sadyang marami po talaga ang may hawak ng ganitong lumang barya. Meron pa akong nakita na mas maganda ang kanilang kondisyon kumpara sa aking lumang barya na ito. At dahil dito, marami ang nagbebenta nito at nais po nilang malaman kung magkano ang bentahan o presyuhan dito.


Ang tamang presyo po ng isang lumang barya ay nakabase po ito sa ilang mga batayan na tanging mga eksperto lamang sa mga lumang barya ang siyang nakakaalam. Kailangan po nilang suriing mabuti ang iyong lumang barya na maaaring aabot ng ilang oras bago po nilang masabi kung ano ang tamang value o halaga nito.


Ngunit ang aking gagawin po dito para magkaroon tayo ng estimasyon sa presyuhan ng isang 1974 na 1 Piso coin ay ang pagtatanong sa mga community groups. Eto po ang siyang aking ginawa at ang mga sumusunod na presyo ang aking mga nakalap:


UNC = ?


XF = 31.25 pesos


VF = 13.56 pesos


At ayan po mga ka-barya ang aking nakalap na presyo sa isang 1974 na 1 Piso Philippine old coin. Ang presyo pong ito ay ang minimum price o ang starting price sa ganitong lumang barya. Kaya kung ang hawak mo pong 1974 na 1 Piso coin ay meron po itong magandang kondisyon, asahan mo po ang mas mataas na presyo nito.


Ang aking isinaad na presyo po dito ay maaari po itong magbago dahil sa ito ay nakabatay po sa oras o petsa noong ako ay nagsagawa ng pagtatanong ukol dito. Kaya maaaring ang presyo po natin dito ay hindi na po ito tugma sa kasalukuyan po nitong presyo sa ngayon.


Dahil sa nagkakaroon po ng pagbabago sa presyo ng mga lumang barya, ako po ay gumawa ng aking sariling YouTube Channel na aking pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Ang nilalaman po nito ay mga impormasyon o mga price update sa ating mga lumang barya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento