Alamin ang Value ng isang 1991 5 Peso Coin

Hindi po lahat ng aking mga tinatagong mga koleksyong lumang barya ay aking nabili sa iba. Meron din po akong ilang mga lumang barya kung saan ako po mismo ang nagtago sa mga ito tulad po ng aking 1991 na 5 Piso Philippine old coin na siyang atin pong pag-uusapan dito.

Ang 1991 na 5 Piso coin ay sadyang napakaganda po ng itsura nito. Eto po ay makapal at meron po itong kakaibang kulay. At dahil dito, marami pong mga kolektor ang naghahanap sa ganitong uri ng mga lumang barya.


Obverse o Harapang Bahagi ng 1991 5 Piso Coin



Atin pong umpisahan ang pagsuri sa itsura ng isang 1991 5 Piso coin dito sa kanyang obverse o harapan na bahagi. Sa karaniwan, ang pinaka una pong uma-agaw sa pansin ng karamihan sa lumang barya na ito ay ang nakaukit na mukha dito sa kanyang gitnang bahagi.


Ang nakaukit pong mukha ay nakaharap sa bandang kanan at siya po ay parang may kasuotang unipormeng pang militar. Siya po ay isang militar sapagkat siya po ay walang iba kundi si Heneral Emilio Aguinaldo. Nakaukit naman po dito sa ating lumang barya ang kanyang pangalan (ibabang kanang bahagi).


Sino po ba si Heneral Emilio Aguinaldo?


Siya po ay isa sa mga naging presidente ng ating bansa o Pilipinas. At ang nakakagulat po dito ay ang kanyang edad noong siya po ay umupo bilang pinakamataas na pinuno ng ating bansa. Sapagkat siya po ang pinakabata sa lahat ng mga naging presidente ng Pilipinas.


Sa gilid naman po nito ay nakaukit ang mga detalyeng REPUBLIKA NG PILIPINAS at ang taon na 1991.


Summarize lamang po natin ang mga nakaukit na detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1991 na 5 piso coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • EMILIO AGUINALDO
  • 1991
  • Nakaukit na mukha ng taong nakaharap sa kanan


Reverse o Likurang Bahagi ng 1991 5 Piso Coin



Atin naman pong suriin ang likurang bahagi ng 1991 5 Piso coin. At sa kanyang likurang bahagi na ito, tayo po ay mabibig-hani sa nakaukit na isang napakagandang bulaklak. Ano kayang uri ng halaman ito?


Para malaman po natin ang kasagutan, ako po ay nagsagawa ng aking sariling pagsasaliksik. Kaya dito ko po napagtanto na ito ay hindi isang halaman kundi ito po pala ay isang uri ng puno. Eto po ay puno na tinatawag po nilang “Narra tree” na matatagpuan po sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.


Dito po sa ibabang bahagi ng ating 1991 5 Piso coin na ito, nakaukit naman po ang dalawang salitang PTEROCARPUS INDICUS. Ang mga salitang ito ay ang scientific o biological name po ng narra tree.


Sa bandang kanan po nito ay nakaukit naman po ang 5 PISO. Eto po ang face-value nito noong ating pong ginamit sa sirkulasyon.


Summarize lamang po natin ang mga nakaukit na detalye dito sa likurang bahagi ng ating 1991 na 5 piso coin:


  • 5 PISO
  • PTEROCARPUS INDICUS
  • Nakaukit na puno ng narra


Mga Karagdagang Detalye ng 1991 5 Piso Coin


Material Composition


Meron pong magandang kulay ang ating 1991 na 5 Piso coin dahil sa ito po ay gawa sa materyal na kung tawagin ay “nickel brass”.


Weight o Timbang


Sadyang makapal po ang limang pisong barya na ito kaya ang timbang po nito ay nasa 9.45 grams.


Diameter


Ang sukat po ng diametro nito ay nasa 25.5 mm.



Kapal o Thickness


Ang kapal po nito ay nasa 2.6 mm.



Price Value o Halaga ng 1991 5 Piso Coin


“Common coins” po ang 1991 na 5 Piso coin. Ibig pong sabihin, marami pong inilabas si BSP na ganitong uri ng barya noong atin po itong ginamit sa sirkulasyon. At dahil po sa dami nito, maaaring marami po ang nakapag tago ng mga ganitong lumang barya.


Meron po akong nababasa sa mga comment section na nagsasabing meron silang mga 1991 na 5 Piso coin at gusto po nila itong ibenta. At meron din po sa kanila ang gustong itanong kung magkano ang value o halaga nito ngayon kung ito ay kanilang ibebenta.


Nais ko lamang pong sabihin na ang presyuhan sa lahat ng mga lumang barya ay meron po itong mga batayan. At ang mga batayan na ito ay mga eksperto sa mga lumang barya ang nakakaalam. Kaya kung nais mo talagang malaman kung ano ang value o halaga ng iyong hawak na lumang barya, mas makakabuti kung ito ay iyong dadalhin sa isang eksperto para suriin ito.


Ang presyo po na aking ipa-pahayag dito ay hindi po galing sa isang eksperto. Ito po ay mula sa ating pagtatanong sa mga community groups ukol sa presyuhan ng 1991 na 5 Piso coin. At ito po ang aking mga nakalap na mga presyo po nito:


Price = 64.22 pesos


At ayan po ang mga presyo ng 1991 na 5 Piso coin ayon po sa mga community groups na akin pong tinanong. Minimum price lamang po ang mga ito kung saan ay maaaring mas mataas ang halaga ng iyong hawak na lumang barya dependi po ito sa kanyang kondisyon.


Maaari na rin pong magbago ang presyo nito dahil ang aking ipinahayag na presyo po dito ay nakabatay sa oras o petsa noong ako po ay nagsagawa ng aking pagtatanong. Sa madaling salita, maaaring hindi na po tugma ang mga presyo dito sa kasalukuyan po nitong presyo ngayon.


Para tayo po ay magkaroon ng price update sa ating mga lumang barya, ako po ay gumawa ng aking YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito ko po ipinapahayag ang mga pagbabago sa presyuhan ng mga lumang barya. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento