1981 5 Sentimos Melchora Aquino Philippine Old Coin o Halaga

Tatalakayin po natin sa “post” na ito ang isang uri ng napaka lumang barya o isang “Philippine Old Coin”.

Eto po ay walang iba kundi ang “5 Sentimos 1981 Philippine old coin”. Isa po ito sa mga lumang barya na may napakaganda disenyo dahil po sa mala bulaklak nitong hugis o itsura.


Meron pong ilan sa atin ang may hawak ng ganitong lumang barya at ang kadalasan po nilang katanungan ay kung magkano na kaya ang halaga nito ngayon kung ito ay kanilang ibebenta. Pero bago natin alamin kung magkano ang bentahan sa ganitong uri ng lumang barya, kilalanin po muna natin ang mga detalye na nakaukit sa mga bahagi nito.


Obverse o Harapan na bahagi ng 1981 na 5 Sentimos Coin  


Sa larawan po na ito ay ating nakikita ang harapan o “obverse” na bahagi ng isang 5 Sentimos coin.


5 Sentimos 1981 Obverse


Dito po sa kanyang gitna ay may nakaukit na isang “logo”. Eto po ay isang Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (Central Bank of the Philippines).


Nakaukit din po ang mga detalyeng BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS, ANG BAGONG LIPUNAN, at ang mga taong 1949, at 1981.


Ulitin lamang po natin ang ating mga nakikitang nakaukit na mga detalye dito sa harapan na bahagi ng ating 1981 na 5 sentimos coin na ito:


  • ANG BAGONG LIPUNAN
  • 1981
  • BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS 1949
  • Lumang logo ng BSP


Reverse o Likurang Bahagi ng 1981 na 5 Sentimos Coin


Eto naman po ang “reverse” o likurang bahagi ng 5 Sentimos coin na ito.


5 Sentimos 1981 Reverse


Kung sa harapan ay nakaukit ang Sagisag ng Bangko Sentral, dito naman po sa likuran ay may nakaukit na kaliwang mukha ng isang babae. Siya po ay si Melchora Aquino kung saan ay nakaukit naman po ang kanyang buong pangalan. Maliban po dito ay nakaukit din po ang 5 SENTIMOS, BSP, at REPUBLIKA NG PILIPINAS.


Ulitin lamang po natin ang ating mga nakikitang nakaukit na detalye dito sa ating 1981 na 5 sentimos coin:


  • REPUBLIKA NG PILIPINAS
  • 5 SENTIMOS BSP
  • MELCHORA AQUINO
  • Nakaukit na mukha ng isang matandang babae


Sukat ng 5 Sentimos 1981 Philippine Old Coin


Diameter


Ang sukat naman po ng isang 1981 na 5 Sentimos coin ay meron po itong “diameter” na nasa “19mm”.


5 Sentimos 1981 Diameter


Kapal o Thickness


Ang “thickness” o kapal naman po nito ay nasa “1.33mm”.


5 Sentimos 1981 Thickness


Timbang o Weight


Ang timbang (weight) po naman nito ay umaabot ng “2.5 grams”.


Material Composition


At ang lumang barya po na ito ay gawa po sa materyal na “nickel”.


Halaga ng 5 Sentimos 1981 Philippine Old Coin


Meron pong dalawang uri ang mga lumang baryang 1981 na 5 Sentimos coin. Ang unang uri ay ang may tatak o “mint mark” po na BSP. Ang aking 5 Sentimos coin po dito ay meron po itong tatak na BSP.


Ang mga 1981 5 Sentimos coin na may tatak na BSP ay nagkakahalaga po ito ngayon ng 14 pesos. Pero noong nakalipas na isang taon, ang halaga po nito ay nasa 100 pesos dahil sa tumaas po ang kanyang demand. Ngayon at dahil wala nang gaanong demand sa lumang barya na ito, bumagsak ang kanyang presyo sa 14 pesos na lamang.


Ang pangalawang uri naman po ang yung may tatak o mint mark na FM (Franklin Mint). Kung ang hawak mo pong 1981 na 5 Sentimos coin ay isang Franklin Mint, meron itong mas mataas na halaga kumpara sa may tatak na BSP.


Ang mga 1981 5 Sentimos coin na may tatak na FM ay nagkakahalaga naman po ito ngayon ng 26 pesos.


Sadyang mas mataas po ang halaga ng mga Franklin Mint na uri ng lumang barya kumpara sa mga BSP mint dahil mas maganda po ang kanilang pagkakagawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento