1904 Half Centavo Filipinas Philippine Old Coin Value o Presyo Nito

 Ang atin pong pag-uusapan sa post na ito ay tungkol sa isang nakapa lumang uri ng barya. At ito ay walang iba kundi ang 1904 na Half Centavo Filipinas Philippine Old Coin.


May isang nagtanong sa akin mula sa comment section ng aking YouTube Channel kung ano po ba ang pagkakaiba ng salitang “centavo” sa salitang “sentimo”.


Masasabi ko pong walang pagkakaiba ang salitang centavo sa salitang sentimo sapagkat pareho lamang po sila ng kahulugan. Ang salitang centavo po ay hango po ito sa wikang Ingles at ang salitang sentimo naman po ay hango po ito sa ating sariling wikang Filipino o tagalog.


Ang salitang centavo ay atin po itong makikita sa iba’t ibang mga lumang barya na may taon mula 1903 hanggang 1967. Eto naman po ay napalitan ng salitang sentimo sa ating mga lumang barya na may taon mula 1967 at hanggang sa kasalukuyan.


Yan lamang po mga ka-barya ang tanging pagkakaiba ng salitang centavo sa salitang sentimo. Ang salitang centavo po ay hango sa wikang Ingles at ang salitang sentimo naman po ay hango sa ating sariling wikang Filipino.


Sa kasalukuyan ay meron po tayong mga ka-barya na may hawak ng 1904 na half centavo coin. At ang karamihan sa kanila ay nais nilang malaman kung magkano ang bentahan sa lumang barya na ito. Umaabot na kaya ito sa isang milyon? Yayaman ba tayo kung ibebenta natin ito? O wala itong halaga kung saan ay pawang isang basura na lamang?


Half Centavo Philippine Old Coin

Yan po ang mga katanungan na siyang atin pong sasagutin dito. Pero bago po natin ito sagutin ay kilalanin po muna natin ang ating 1904 half centavo coin sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaukit nitong mga detalye.


Obverse o Harapan ng Bahagi ng 1904 Half Centavo Coin


Half Centavo Coin Obverse Side

Sadyang napakagandang pagmasdan ang pagkaka disenyo sa ating lumang barya na ito. Simple, detalyado, at malinis tingnan. Dito po sa kanyang gitnang bahagi ay meron pong nakaukit na isang agila kung saan ang kanyang pakpak ay nakabuka. Wala po tayong ideya kung siya ay naghahandang lumipad o kung siya ay kalalapag lamang.


Meron lamang po akong gustong ibahagi na konting kaalaman tungkol sa mga agila. Alam nyo po ba na ang mga agila ay nabubuhay at umaabot sa edad na 60 o anim na pung taon. Eto po ang edad na kapag atin pong naabot ay nabibilang po tayo sa grupo ng mga senior citizen.


Ang kinatatayuan po ng nakaukit na agila ay isang uri ng kakaibang bagay. Base po sa aking pagsasaliksik ay isa daw po itong kalasag. Sa itaas po nitong bahagi ay meron pong mga nakaukit na bituin o stars. Binilang ko po itong ilang beses at ito ay nasa labing tatlong mga bituin.


Nais ko lamang pong magbahagi ulit ng isang konting kaalaman tungkol sa nakaukit na kalasag sa ating lumang barya na ito. Meron po tayong isang sikat na Marvel Superhero na gumagamit ng ganitong uri ng kalasag bilang kanyang sandata. At siya po ay walang iba kundi si Captain America. Ganito po ang hugis ng kanyang pinaka unang bersyon na kalasag bago po ito ginawang hugis bilog ni Mr. Tony Stark.


Dito naman po tayo sa gilid ng ating lumang barya. Meron po tayong mababasa dito na mga nakaukit na detalyeng UNITED STATES OF AMERICA at taon na 1904. Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ang nakaukit po dito ay United States of America at hindi po Republika ng Pilipinas. Bakit kaya?


Ang 1904 na half centavo coin ay kabilang po ito sa tinatawag na US Administration Coins. Meron po itong anim na bersyon at ang tangi nilang pagkakaiba ay ang kanilang nakaukit na taon. At ang mga taong ito ay 1903, 1904, 1905, 1906, 1907, at 1908. Ang may pinakamaraming bilang o mintage sa mga bersyong ito ay ang may taon na 1903 at 1904. Dahil dito, ito po ang dalawang uri ng half centavo coin na karaniwang hawak ng karamihan sa ngayon. Samantala, bihira naman po ang bersyon na may taong 1905, 1906, 1907, at 1908.


Eto pong mula ang mga nakaukit na detalye sa harapang bahagi ng ating 1904 na half centavo coin:


  • UNITED STATES OF AMERICA

  • 1904

  • Agila na bukas ang kanyang pakpak sa ibabaw ng isang kalasag


Reverse o Likurang Bahagi ng 1904 Half Centavo Coin


Half Centavo Reverse Side

Dito naman po tayo sa reverse o likurang bahagi ng ating 1904 na half centavo coin. Sa kanyang gitna ay meron po tayong nakikita na isang lalaking nakaupo. Para po siyang pagod ay nagpapahinga. Sa kanyang kanang kamay ay meron po siyang hawak na isang martilyo. Isa po kaya siyang karpintero? O isa po kaya siyang mandirigma at ang kanyang hawak na martilyo ay ang kanyang sandata? Posible po kaya na siya ay si Thor?


Ang matipo at makisig na nakaupong lalaki ay parang kanyang pinagmamasdan sa di kalayuan ang isang umuusok na bulkan. Eto po ang umuusok sapagkat ito po ay nagpapahiwatig na ito ay isang aktibong bulkan. Maaaring ikaw ay ma-surpresa kung malaman mo na ito ay ang sikat na bulkang Mayon.


Nais ko lamang po ulit magbahagi ng isang konting kaalaman tungkol sa bulkang Mayon. Ang salitang Mayon po ay hango po ito sa salitang “Magayon” na ang ibig pong sabihin ay “beautiful” o kagandahan.


Dito naman po sa gilid na bahagi ng ating lumang barya na ito ay meron pong mga nakaukit na detalyeng HALF CENTAVO at FILIPINAS. Ang nakaukit pong half centavo ang siyang nagpapahiwatig sa face-value o halaga nito bilang isang barya noong ito ay ginamit sa sirkulasyon. Pagdating naman po sa salitang Filipinas, eto po ay mula sa salitang “Las Islas Filipinas” kung saan sa wikang Ingles ay “Philip’s Islands”.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye sa likurang bahagi ng ating lumang 1904 na half centavo coin:


  • HALF CENTAVO

  • 1908

  • Nakaupong lalaki na may hawak na martilyo sa kanyang kanang kamay

  • Isang umuusok na bulkan


Mga Karagdagang Detalye ng 1904 Half Centavo Filipinas Philippine Old Coin


Material Composition


  • Ang 1904 half centavo coin na ito ay gawa po sa materyal na kung tawagin ay “bronze” o tanso.


Weight o Timbang


  • Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 2.6 grams.


Diameter


  • Ang diametro po nito ay nasa 17.5 mm.


Kapal o Thickness


  • At ang kapal naman po nito ay nasa 1 mm.


Price Value o Halaga ng 1904 Half Centavo Coin


Dito na po tayo sa bentahan ng mga lumang baryang 1904 na half centavo coin. Tulad po na aking binanggit sa itaas, ang mga lumang half centavo coins ay meron po itong anim na mga bersyon. At sila po ay may mga taong 1903, 1904, 1905, 1906, 1907, at 1908. Sa anim po na mga bersyong ito ay ang 1903 at 1904 ang siyang may pinakamaraming bilang. Sa madaling salita ay marami po ang may hawak ng ganitong uri ng mga lumang barya hanggang sa ngayon.


Base po sa aking pagtatanong sa mga community groups, ito po ang aking mga nakalap na presyuhan sa mga lumang 1904 na half centavo coins:


UNC = ?


XF = 2417.24 pesos


VF = 3574.10 pesos


At ayan po ang aking mga nakalap na presyo sa bentahan ng 1904 na half centavo coins.


Nais ko lamang pong ipagbigay alam na ang presyuhan sa mga lumang barya ay meron po itong ilang mga batayan na tanging mga eksperto lamang ang siyang nakakaalam. Ang aking isinagawang pagtukoy sa presyo ng ating lumang barya 1904 na half centavo coin dito ay sa pamamagitan lamang po ng pagtatanong sa mga community groups.


Maliban po dito, dapat din po nating malaman na hindi po stable ang presyo ng mga lumang barya. Patuloy po itong pabago-bago dahil nakadependi na rin po ito sa supply at demand. Kaya maaari po itong tumaas sa araw na ito pero maaari na rin po itong bumagsak sa mga susunod na araw.


Dahil sa hindi stable ang presyo ng ating mga lumang barya, ako po ay gumawa ng aking YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako naglalabas ng mga price updates sa ating mga lumang barya.


Meron po akong ginawang isang bidyo tungkol sa 1904 na half centavo coin at ito ay iyong mapapanood sa ibaba o sa aking YouTube Channel.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento