Value ng 5 Centavos 1908 Philippine Old Coin

Meron po tayong mga larawan dito ng isang napaka lumang barya o Philippine old coin. At eto po ang 1908 na 5 Centavos coin. Dahil po sa sobrang kalumaan ng lumang barya na ito ay iilan na lamang po ang may hawak nito. Kaya masasabi ko po na ito ay isa na po ngayong uri ng “rare coin” o bihira na lamang po ang makahanap ng ganitong uri ng lumang barya.


Ang lumang barya po na ito ay kabilang sa tinatawag po nating “US Administration Coins”. Ibig pong sabihin ay ginawa po ang barya na ito sa pamamalakad ng mga Amerikano noong nakalipas na panahong kanilang sinakop ang Pilipinas o ang ating bansa.


Para lubusan po nating makilala ang 1908 na 5 centavos coin, atin pong suriin ang mga nakaukit nitong detalye na atin pong makikita sa kanyang harapan at likurang bahagi.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1908 na 5 Centavos Coin



Ang higit pong nakakaagaw ng pansin sa lumang barya na ito ay ang napakagandang nakaukit na isang agila sa kanyang gitnang bahagi. Ang kanyang mga pakpak ay nakabukas kung saan base sa aking sariling pag-unawa ay sumasagisag po ito ng kalayaan.


Pero kung ating pong pagmamasdan ng mabuti ang kanyang dalawang paa, meron po siyang hawak ng mga palaso. Base po sa aking pagbilang, ito ay nasa tatlong piraso. Subalit wala po akong ideya kung ano ang nais ipahiwatig ng mga palasong ito.


Ang kinatatayuan naman po ng nakaukit na agila ay isang kalasag. Meron po itong mga bituing disenyo sa itaas nitong bahagi. At base naman po sa aking naging pagbilang sa mga ito, ito ay nasa labing tatlong mga bituin. Wala na rin po akong ideya kung ano ang sinasagisag ng mga ito pero base ulit sa aking sariling opinyon ay meron po itong kinalaman sa bansang Amerika o Estados Unidos.


Dito naman po tayo sa gilid na bahagi ng ating 1908 na 5 centavos coin na ito. Atin pong nakikita dito ang mga nakaukit na detalyeng UNITED STATES OF AMERICA at ang taon na 1908. Ang nakaukit pong United States of America ang siyang malinaw na nagsasaad na ang lumang barya na ito ay isa pong US Administration Coin.


Eto pong muli ang mga nakaukit na mga detalye sa harapang bahagi ng 1908 na 5 centavos coin:


  • UNITED STATES OF AMERICA

  • 1908

  • Nakaukit na agila at kalasag


Reverse o Likurang Bahagi ng 1908 na 5 Centavos Coin



Atin naman pong nakikita dito ang larawan sa likurang bahagi ng 1908 na 5 centavos coin.

Sa gitnang bahagi po nito ay meron po tayong nakikitang nakaukit na isang makisig at matipunong lalaki. Siya po ay nakaupo sa isang palihan at meron po siyang hawak na isang martilyo. Base po sa mga bagay na ito, maaaring siya po ay isang panday.


Sa di kalayuan ay meron pong isang umuusok na bulkan. Ang pag-usok po nito ay nagpapahiwatig na ito ay isang aktibong bulkan. At base po sa aking pagsasaliksik, ang bulkan po na ito ay ang pinaka kilalang bulkan dito sa Pilipinas na pinangalanang “Bulkang Mayon”.


Bakit nga ba ito tinawag na Bulkang Mayon?


Ang pangalan po nitong “Mayon” ay hango po ito sa salitang “Magayon” na ang ibig pong sabihin ay sa wikang Ingles ay “Beautiful” at ang salin naman po nito sa wikang Filipino ay “Kagandahan”. Hindi po talaga natin maikakaila na ang Bulkang Mayon ay isang napakagandang tanawin. Sa katunayan ay dinarayo po ito ng mga turista dahil sa maganda at nakakabighani na tanawin nito.


Dito naman po sa gilid na bahagi ng ating lumang barya na ito ay atin pong mababasa ang mga nakaukit na detalyeng FIVE CENTAVOS at FILIPINAS. Ang five centavos ang siyang nagsasabi sa face-value o halaga po nito bilang isang barya noong ginamit po ito noon sa sirkulasyon. Samantala, ang Filipinas naman po ay meron po itong kaugnayan sa ating bansang Pilipinas.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye na atin pong makikita at mababasa sa likurang bahagi ng ating 1908 na 5 centavos coin:


  • FIVE CENTAVOS

  • FILIPINAS

  • Nakaupong panday at ang aktibong Bulkang Mayon 


Mga Karagdagang Detalye sa ating 1908 na 5 Centavos Coin


Material Composition


Ang 1908 na 5 centavos coin ay gawa po ito sa materyal na kung tawagin ay “copper-nickel”


Weight o Timbang


Ang timbang o bigat naman po nito ay nasa 5.25 grams


Diameter


Ang diametro po nito ay nasa 21.3 mm


Kapal o Thickness


At ang kapal po nito ay nasa 1.68 mm


Price Value o Halaga ng 1908 na 5 Centavos Coin


Kahit iilan na lamang po ang may hawak ng mga lumang baryang 1908 na 5 centavos coin, marami pa rin po ang nagtatanong kung saan ay gusto po nilang malaman kung magkano ang value o halaga ng lumang barya na ito.


Pero bago po natin alamin ang bentahan sa ganitong lumang barya, nais ko po munang ipagbigay alam ang “source” o kung saan galing ang impormasyon hinggil sa presyo na aking babanggitin dito.


Dapat po nating malaman na ang presyo ng mga lumang barya ay meron po itong ilang mga mahalagang batayan. At ang mga batayan na ito ang siyang ginagamit ng mga eksperto para matukoy ang tugmang presyo ng isang lumang barya.


Ikinalulungkot ko po na ako ay hindi isang eksperto pagdating sa pagsuri at pagtukoy sa tamang presyo ng isang lumang barya. Pero meron po akong ibang paraan na siyang akin pong ginagamit at ito ay ang pagtatanong sa mga “community groups”.


Sa akin pong pagtatanong ay wala pong nakakaalam kung magkano ang value o halaga ng isang 1908 na 5 centavos coin. Bihira lamang po kasi talaga ang may hawak sa mga ganitong lumang barya. Pero sa mga online shopping stores, meron po akong nakita na isang seller at kanya po itong benebenta sa halaga 300 pesos.


Ang isa pong importanteng bagay na dapat po nating malaman ay nagbabago po ang halaga ng mga lumang barya. Kaya kung ang ating 1908 na 5 centavos coin ay nasa halagang 300 pesos sa ngayon, maaaring sa mga susunod na araw ay tumaas po ito o maaari na rin po itong bumagsak. Nakadepende po talaga ito sa “supply” at “demand” o kung gaano karami ang nagbebenta nito at mga gustong bumili nito.


Kung nais mo pong malaman ang aking latest price update sa mga lumang barya, meron po akong isang YouTube Channel na akin pong pinamagatang “Pinoy Coin Hunter”. Dito po ako madalas magbahagi ng mga price updates sa ating mga lumang barya o Philippine old coins.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento