Commemorative 2 Piso Coin Collection

Meron po tayong dalawang larawan dito na naglalaman ng mga lumang barya. Ang mga lumang barya po na ito ay pag-aari ng ating ka-barya kung saan ay kanya po itong ipinakita para atin pong suriin at alamin kung magkano ang value o halaga ng mga ito ngayon.

Unahin po natin sa larawan na ito. Gaya po ng ating nakikita ay hindi po gaanong malinaw ang kuha ng ating ka-barya dito.


2 Piso Commemorative Coin


Base lamang po sa aking sariling opinyon ay hindi po niya nagawang i-pokus ng mabuti ang kanyang ginamit na camera. Sana ay muli niyang inulit ito hanggang sa siya ay nagkaroon ng mas malinaw na kuha.


Dahil sa napaka blurred po talaga ang kuha ng ating ka-barya sa kanyang barya dito sa larawan na ito, hirap po tayo sa pagkilala sa mga nakaukit po nitong mga detalye. Pero pilit ko po itong sinuri ng mabuti hanggang sa aking napagtanto na ang dalawang lumang barya sa larawan na ito ay mga 2 Piso commemorative coins.


Meron po tayong ilang mga 2 Piso na commemorative coins at ang nandito sa larawan na ito ay ang bersyon na “Centennial of National Movement - Elpidio Rivera Quirino”. Ginawa po ang barya na ito para sa paggunita sa ika-100 na taong kaarawan ni Elpidio Quirino.


Ang Elpidio Quirino na commemorative coin ay meron po itong tatak na taong 1890 - 1990. At sa akin pong pagtatanong sa mga community groups, eto po ang value o halaga nito na akin pong nakalap:


Price = 139.62 pesos


Ang presyo po na ito ay base po sa petsa kung kailan po ako nagsagawa ng aking pagtatanong sa mga community groups. Sapagkat, ang mga lumang barya ay nagkakaroon po ng pagbabago sa presyuhan ng mga ito. Kaya pwede mataas ang halaga po nito ngayon pero ito naman ay babagsak sa susunod na mga araw. Sa madaling salita ay maaaring nag-iba na po ang value o halaga nito sa ngayon.


2 Piso Coin Collection


Eto naman po ang ikalawang larawan na ipinakita ng ating ka-barya. Di tulad po ng na-unang larawan, mas malinaw po ang kuha ng ating ka-barya dito. Atin pong nakikita dito ang kanyang maraming mga lumang barya bilang koleksyon. At ang karamihan po sa mga ito ay mga 2 Piso coins.


Tulad ng kanyang 2 Piso coin na commemorative coin, nais po niyang malaman kung magkano ang value o halaga ng mga ito. Ngunit ang masasabi ko po dito ay kailangan po nating isa-isahin ang mga ito at suriin bago po tayo magkaroon ng estimasyon sa halaga ng mga ito.


Dapat po natin malaman na meron po tayong ilang mga batayan na sinusunod bilang basehan sa presyo ng mga lumang barya. Ang isa lamang po sa mga batayan na ito ay ang kanilang taon.


Ang mga 2 Piso Philippine old coins, partikular ang mga “common coins” ay pumatak ang kanilang presyo sa pagitan ng 30 hanggang 50 pesos. Kapag sinabi po nating common coins, eto po ay mga uri ng barya kung saan ay marami po ang may hawak sa mga ito.


Kung nasa 30 hanggang 50 pesos ang presyuhan sa mga 2 Piso coins, sabihin na lamang natin na ang presyo ng bawat isang 2 Piso coin ng ating ka-barya dito ay nasa 40 pesos. Pagdating naman po sa bilang ng kanyang mga barya dito ay sabihin po natin na ito ay nasa limangpung piraso.


Ngayon para magkaroon po tayo ng kabuuang estimasyon sa value o halaga ng mga 2 Piso coins ng ating ka-barya dito, i-multiply lamang po natin ang 40 pesos sa 50 na piraso ng kanyang mga dalawang pisong lumang barya. At ang kalalabasan po sa aking magiging kalkulasyon ay 2,000 pesos. Yan po ang ating estimasyon sa kabuuang halaga ng kanyang mga dalawang pisong lumang barya sa larawan na ito.


Kung meron ka na rin pong mga lumang barya at nais mo po itong ipasuri para malaman kung magkano ang value o halaga nito, kuhanan mo lamang po ng larawan ang mga ito. At ito po ay iyong ipadala sa aking eMail address na pinoycoinhunter@gmail.com.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento