20 Centavos 1911 Philippine Old Coin Value

Ang 20 centavos coin na may taong 1911 ay isa pong napaka lumang uri ng barya dito sa Pilipinas o ating bansa. Ang taon po nang aking isinulat ang post na ito ay nasa 2022. Kaya meron pong 111 na taon ang lumipas mula 1911 hanggang 2022.


Ano nga ba ang isang pangyayari noon sa taong 1911 naganap dito sa Pilipinas na hindi po nakakalimutan ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon natin ngayon?


Marami pong naganap na mga pangyayari dito sa Pilipinas noong nakalipas na taong 1911 pero ang isa sa mga ito ay ang pagputol ng bulkang Taal o “Taal Volcano”. Eto po ay pumutok sa madaling araw ng January 30, 1911.


Napakalakas daw po ang pagsabog o pagputok nito kung saan ay umabot po ang malakas na tunog nito hanggang sa Manila na may 60 kilometro ang layo.


Noong sumabog daw po ang bulkang Taal, mapapansin daw po ang mga kidlat sa itaas nitong bahagi. Maliban dito ay meron daw po itong malaki at maitim na nabuong ulap. Ang maitim na ulap na ito ay lumabas sa oras na nasa mga 2:30 AM na siyang nagbigay ng hudyat sa tuluyang pagsabog po nito.


Ayan po mga ka-barya ang ating natutunan dito na may kinalaman sa ating 20 centavos na may taong 1911. Atin pong ipagpatuloy ang pagsuri sa mga nakaukit nitong detalye.


Obverse o Harapan na Bahagi ng 1911 na 10 Centavos Coin


1911 20 Centavos Coin


Eto po ang
“obverse” o harapan na bahagi ng isang 1911 na 10 centavos coin. Isa po itong US Administration Coin at meron pong pagkakatulad ang disenyo po nito sa ibang mga lumang barya.


Nakikita po natin dito sa kanyang gitna ang isang malayang agila na nakabukas ang kanyang mga papak. Parang siya ay naghahandang lumipad para po maglakbay sa isang napaka layong lugar. Base lamang po sa aking sariling opinyon, ang agila po na ito ay isang “American Eagle”.


Maliban po sa nakaukit na agila ay mapapansin din po natin ang kinatatayuan nito na isang bagay. At ang bagay na ito ay isa po itong kalasag. Ang kalasag ay isa po itong uri ng sandata kung saan ay ginagamit po itong panangga.


Sa gilid na bahagi naman po nito ay atin naman pong mababasa ang mga nakaukit na letra na bumubuo sa mga salitang UNITED STATES OF AMERICA. Maliban po dito ay ating taon na 1911.


Eto pong mulo ang mga nakaukit na detalye dito sa obverse o harapan na bahagi ng isang 1911 na 20 centavos coin:


  • Agila na nakabukas ang kanyang pakpak

  • Kalasag na kinatatayuan ng agila

  • UNITED STATES OF AMERICA

  • 1911


Reverse o Likurang Bahagi ng 1911 na 20 Centavos Coin


Dito naman po tayo sa “reverse” o likurang bahagi ng ating 1911 na 20 centavos coin. Atin naman pong nakikita dito sa kanyang gitnang bahagi ang isang nakaukit na babae. Siya po ay nakatayo at nakasuot ng isang mabahabang kasuotan. Mababa din po ang kanyang buhok at ang aking hindi maintindihan dito ay meron po siyang hawak na martilyo.


Sa di kalayuan o sa kanyang likuran ay meron naman pong nakaukit na isang umuusok na bulkan. Eto po ay umuusok dahil sa ang bulkang na ito ay isang aktibong bulkan. Ito po kaya ang Taal Volcano?


Base po sa aking pagsasaliksik ay hindi po ito ang Taal Volcano na sumabog noong taong 1911. Ang bulkan po na ito ay ang mas kilalang “Mount Mayon Volcano” o ang bulkang Mayon.


Sa gilid naman po nitong bahagi ay nakaukit ang mga salitang TWENTY CENTAVOS at FILIPINAS. Eto po ang siyang nagsasaad sa halaga nito bilang isang barya noong ito ay ginamit sa sirkulasyon.


Eto pong muli ang mga nakaukit na detalye dito sa reverse o likurang bahagi ng ating 1911 na 20 centavos coin:


  • Isang nakatayong babae

  • Aktibong Mount Mayon Volcano

  • TWENTY CENTAVOS FILIPINAS


Mga Karagdagang Detalye ng 1911 na 20 Centavos Coin


Material Composition


Ang mga 1911 na 20 centavos coin ay gawa po ito sa bagay na pilak o silver (0.750)


Weight o Timbang


Ang timbang po nito ay nasa 4 grams


Diameter


Ang diametro naman po nito ay nasa 20.86mm


Kapal o Thickness 


At ang kapal po nito ay nasa 1.31mm


Price Value o Halaga ng isang 1911 na 20 Centavos Coin


Nais ko pong sabihin sa lahat na ang presyuhan ng mga lumang barya ay marami po itong basehan. At ako po ay magbibigay ng tatlong mga bagay ukol dito.


Una, wala po talagang nagdidikta sa tamang presyo ng mga lumang barya. Kaya ang may-ari na isang lumang barya na gusto niyang ibenta, nasa kanyang sariling desisyon kung magkano po niya ito ibenta. Wala pong nagbabawal kung siya ay “overprice” o sobra ang kanyang presyo.


Pangalawa ay ang kondisyon ng lumang barya. Ang hanap po ng mga kolektor na mga barya ay syempre yung mga maganda ang kondisyon o maayos ang kanilang pagkakatago. Kaya kung maganda ang kondisyon ng isang lumang barya, maraming gustong bumili nito at magpapataasan ang mga kolektor sa presyuhan nito.


At ang pangatlo, ang mga bentahan sa mga lumang barya ay nakabase na rin po ito sa “supply” at “demand”. Kung ang isang lumang barya ay napaka bihira o iilan na lamang ang bilang nito, maraming mga kolektor ang gustong bilhin ito kahit hindi maganda ang kondisyon nito.


Pagdating po sa halaga ng isang 1911 na 20 centavos coin, eto po ay nasa halagang 517.79 pesos. Nakuha ko po ang presyo na ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa iba’t ibang mga community groups.


Hindi po “fixed” ang aking binanggit na presyo dito kung saan ay maaari po itong magbago sa hinaharap. Sapagkat, ang bentahan ng mga lumang barya ay sadyang pabago-bago dahil ito ay nakadepende na rin sa supply and demand.


Kung nais mong malaman ang mga latest na price updates ng mga lumang barya, ako po ay may isang YouTube Channel (Pinoy Coin Hunter). At sa aking YouTube Channel na ito ay dito po ako madalas maglabas ng mga impormasyon sa pagbabago ng presyo sa mga barya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento